Bugoy Drillon to go retro this Sunday in Sharon


Pinoy Dream Academy season 2 scholar Bugoy Drillon will dish out retro tunes with Nyoy Volante and Sharon Cuneta, this Sunday on Sharon.


Isa si Pinoy Dream Academy (PDA) Season 2 scholar Bugoy Drilon sa mga pinakapatok na Pinoy singers ngayon. In fact, matapos ang hit debut album niyang "Paano Na Kaya?" kamakailan lang ay ini-release na ni Bugoy ang self-titled album niya kung saan kabilang ang certified hit at teleserye soundtrack na "Hindi Na Bale."

Sikat man sa kanyang mga sentimental songs, tulad ng ibang singers, gusto rin ni Bugoy na mag-experiment at subukang i-perform ang mga kantang hindi niya kadalasang kinakanta. At ngayong Linggo, May 16, abangan kung magiging successful si Bugoy sa pakikipag-"retro jamming" niya kina Nyoy Volante at Megastar Sharon Cuneta sa "70’s hits" episode ng Sharon.

Bukod kay Bugoy at Nyoy, kabilang din sa mga special guests ang Cardio Boys at A-Pop boys na kinabibilangan nina Jaco Benin, Nel Gomez, Sam Concepcion at Young JV.

Huwag palampasin ang iba pang sorpresang hatid ngayong linggo ng nag-iisang musical variety show "kung saan lagi kang kasama," Sharon, pagkatapos ng Pilipinas Got Talent sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN