Robin Padilla serenades his detractors in Wowowee


"Ito pong aking aawitin ay inihahandog ko po sa inyong lahat, lalung-lalo na sa mga kontra sa akin. Ladies and gentlemen, your Videoke King!" Robin Padilla said before singing his song "Kahit Konting Pagtingin," a Ric Segreto original.


Mula nang ipakilala noong Sabado si action superstar Robin Padilla bilang special host ng Wowowee, halu-halong reaksyon na ang lumutang mula sa publiko.

Sa kanyang ikatlong araw sa top-rating Primetanghali show ng ABS-CBN, ibinahagi ni Robin ang kanyang saloobin.

"Gusto ko lamang pong ipaalam sa lahat ng ating kababayan sa buong mundo na ako po ay nandirito sa Wowowee dahil sa ugaling Pilipinong bayanihan. Tumutulong lang po ako upang ang programang ito ay manatili na nasa inyo at nagpapaligaya," pahayag ni Robin.

Para suyuin ang mga ito, inialay ni Robin, na kilala rin bilang "Videoke King," ang kantang "Kahit Konting Pagtingin" na mala-harana sa mailap na nililigawan. "Ito pong aking aawitin ay inihahandog ko po sa inyong lahat, lalung-lalo na sa mga kontra sa akin. Ladies and gentlemen, your Videoke King!"

Sinambit niya sa pamamagitan ng awit ang mga salitang, "Kahit konting pagtingin, kung manggagaling sa ’yo ay labis ko nang ligaya dahil sa kayo ay mahal ko."

Ngunit bukod sa pagharana, isang makahulugang opening message ang nabitiwan ni Robin. Aniya, "Magandang tanghali po sa Spain, Australia, Florida, Georgia, Maryland, at Guam! Isang araw pupunta ako diyan kasama ang Wowowee!"

Sa pagbating ito ni Robin, marami ang nagtatanong, tuluy-tuloy na nga ba siyang makikisalo at magbibigay-saya bilang special host ng Wowowee?

Patuloy na tutukan si idol Binoe, sa Wowowee, tuwing tanghali, pagkatapos ng Showtime sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN