Joshua Dionisio and Barbie Forteza will miss working on GMA-7’s First Time


Joshua Dionisio and Barbie Forteza will be paired anew in the upcoming TV show Ang Pilyang Kerubin. Their current show, First Time, is now on its last two weeks of airing on GMA-7.


Inaabangan na ng mga tagasubaybay ng First Time ang huling dalawang linggong pag-ere nito tuwing hapon sa GMA-7.

Habang nalalapit na ang pagtatapos nito ay mas nagiging kapana-panabik ang mga pangyayari na siyang inaabang-abangan ng mga tagasubaybay nito.

Naimbitahan ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa last taping day ng First Time sa Himlayang Tandang Sora, at doon ay nakausap namin ang dalawa sa mga leading stars ng show: si Barbie Forteza at Joshua Dionisio.

Hindi ikinaila ng dalawa na sila ay nalulungkot sa nalalapit ng pagtatapos ng kanilang show, lalo na si Barbie na hindi makapaniwalang matatapos na nga ito.

"Nakakalungkot. Sobrang nakakalungkot. Kasi itong production na ’to kasama ko unang una sa Stairway to Heaven, tapos sa Dear Friend, sila Direk Andoy. Tapos ngayon matatapos na. Kasi parang kailan lang nag-launch kami sa SOP tapos ngayon matatapos na, lahat ng locations namin last day na. So nakakalungkot."

Hindi inakala ng nakararami na ang show na ito ay kakayaning makipag-sabayan sa iba pang mga show dahil sa mga baguhan pa lang nga ang mga cast ng nasabing show.

Ang team up nila Barbie, Joshua at isa pa nilang kasamang si Jhake Vargas ay nagsimula pa lamang mapansin noon sa Stairway to Heaven ng sila ay gumanap bilang batang version nila Jodi, Cholo at Tristan.

Kaya naman ganun na lang ang saya ni Joshua ng magustuhan ng tao ang kanilang team up. Aminado siyang noong una ay kabado silang lahat sa magiging pagtanggap ng tao sa kanila.

"Siyempre po nakahinga kami ng maluwag. Unang- una bago pa lang po ang First Time, parang kabado [kami], di namin alam anong mangyayari sa first day ng show namin... Nakikita namin na hanggang ngayon gustong-gusto kami ng fans namin."

Ganun din ang naging pakiramdam ni Barbie na hindi makapaniwala sa ganda ng ratings na kanilang nakukuha sa episodes ng kanilang show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Unang-una hindi ko po inakala na aabot sa ganito ang First Time, na baguhan pa lang kami, yung first show, major show namin sobra ung suporta ng tao sa amin. Simula’t simula mainit, sobrang ganda ng pagtanggap ng tao sa First Time. So sobrang nagpapasalamat kami."

Ngayong matatapos na ang First Time at may sinisimulan silang bagong show na pang-primetime, ang Pilyang Kerubin, hindi nalalayo na pagtapos nito ay ipares sila sa iba pang mga young talents ng GMA-7 na ginagawa din nila sa iba pa nilang talents upang makabuo ng mga bagong love team.

Ngunit kung ang dalawang child-star ang tatanungin, hindi muna nila gugustuhing mapares sa iba dahil sa hirap ng adjustment na kailangan nilang muli na pagdaanan kung saka-sakali.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN