Queen Seon Deok tackles society’s problems this Wednesday


Find out how the Asianovela Queen Seon Deok will tackle society’s problems in its May 26 episode.


Bukod sa magagandang costumes, ginastusang battle scenes, at masalimuot na kwento ng pag-ibig, tinatalakay rin ng Queen Seon Deok ang mga napapanahong tema, partikular ang mga sakit ng lipunan.

Sa Miyerkules, May 26, ang mga kaguluhan naman sa pulitika, pagtaas ng presyo ng mga bilihin at mga komplikasyon sa pagmamay-ari ng lupa ang matapang na bubusisain ng naturang Asianovela.

Ang mga gobyerno sa iba’t ibang lupalop ng mundo ay tiyak makakakuha ng mga tips at mga ginintuang aral kay Deokman (batang Queen Seon Deok) bungad sa pagsisikap nitong tulungan ang mga pinagkakaitang mamamayan ng Silla.

Sinadya ng mga aristocrat na kinabibilangan ng militar at mga pinuno ang pag-iimbak at pagtatago ng mga pagkain para lalong tumaas ang presyo nito. Hangad nilang gutumin ang mga mamamayan para mapilitan ang mga itong ipagbili ang kanilang mga lupain kapalit ng pagkain.

Ngayong napagtanto na ni Deokman ang maitim nilang balak, abangan ang gagawin niyang hakbang para masupil ang kasakiman at matigil ang pagdanak ng dugo. Hihingan ba niya ng tulong ang minamahal niyang si Yu-Shin o ang makisig na tagapaglingkod niyang si Bi-dam? Kung sakali man, may selosan kayang magaganap?

Magtutuloy-tuloy ang pag-alab ng damdaming makabayan dahil buong sigasig na ku-kwestiyonin ni Deokman ang pamumuno ni Mi-Shil. Haharapin mismo ni Deokman si Mi-Shil at tatanungin kung bakit walang maramdamang pag-angat o kahit kaunting pagbabago man lang sa Silla simula ng maluklok ito sa pwesto.

Ngayong may matinding paghaharap na naman ang mangyayari, magwagi kaya ang pagbubuting-loob ni Deokman o manaig ang tusong paggamit ng kapangyarihan ni Mi-Shil?

Ang mga pangunahing sakit ng lipunan ay hihimayin na sa Queen Seon Deok ngayong Miyerkules, May 26, pagkatapos ng Diva sa GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN