Margaret Wilson stars in "Magpakailanman" on May 10


Miss World-Philippines Margaret Wilson sharesher first onscreen kiss with Polo Ravales for the show Magpakailanman,GMA-7’s weekly anthology of inspiring stories.


Excited at proud ang reigning MissWorld-Philippines na si Margaret Wilson sa pagkakataong ibinigay sa kanya ng TVseries na Magpakailanman para gumanap sa talambuhay ng kauna-unahang Filipina Ms.Universe winner na si Gloria Diaz.

Mapapanood ang "The Gloria Diaz Story" thisThursday, May 10, sa GMA-7 at kabilang sa mga panauhin sina Polo Ravales bilangVic Vargas at Baron Geisler na gaganap naman as Bong Daza, ang mister ni Gloria.

Bumisita ang PEP (Philippine EntertainmentPortal) sa taping ng naturang programa ni Mel Tiangco sa Kamuning, Quezon City,at nasabi ni Maggie (palayaw ni Margaret) na nagtanong-tanong siya para masmagampanan ng mabuti ang naturang papel. "Masyado kasi akong busy kaya hindi ako nakapag-research about her[Gloria]. But I asked around, I askedthe director at ‘yung mga tao sa taping. And I saw some of her photos, para mas ma-portray ko ‘yung karakterniya.

"Although hindi ako sa Miss Universemagko-compete, pareho naman kaming beauty queen kaya I’m so happy and sohonored talaga dahil ako ‘yung napili nila. I mean, there’s so many other girls na naging beauty queen, hindiba? Pero sa akin ibinigay ang opportunityna ito," nakagingiting panimula ni Maggie.

Iikot ang istorya mula sa pagka-discover kayGloria habang nanonood ito sa isang Sta. Cruzan, hanggang sa naging modelo,beauty queen at Miss Universe noong 1969, sumabak sa pag-artista at nagka-asawaito.

"Hindi lang sa pagiging Miss Universe angtakbo ng istorya, even after that. Pati‘yung relationship niya kay Vic ay ipakikita rito," esplika pa ng 18-year-oldactress/beauty queen. Ang yumaong si Vic ang unang nakapareha ni Gloria sakanyang unang pelikula na ipinalabas noong 1975.

FIRST ONSCREEN KISS. Sinabi pa ni Maggie na noong araw na bumisitaang PEP ay kinunan ang eksenang nangangabayo siya habang nakasuot ng kamisonpara sa pelikula ni Gloria na Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa atpati na ang kissing scene niya with Polo na first time niyang ginawa bilangaktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We shot the scene kanina, ‘yung nangangabayoako. Hindi naman po ako magwe-wet look dito, hahaha!" nakatawang saadniya. "Kasi, dapat po ay wholesome akosiyempe, hindi pa kasi ako lumalaban sa competition e.

"Tapos, I had my first kissing scene on TV,with Polo as Vic Vargas. Sobrang kinakabahan nga po ako kanina, hindi ko alamkung ano ang gagawin ko. Sabi ko nalang kay Polo na just be patient with me. Hindi kasi ako sanay na hinahalikan ako ng taong hindi ko gusto or ‘yunghindi ko kaano-ano, ‘yung walang relasyon.

"Pero okay naman si Polo at kailangan langtalaga sa life story ni Ms. Gloria Diaz, e."

Ikinuwento pa ni Maggie na ipinahiram ni Ms.Gloria ang mismong gown na ipinanalo nito bilang Ms. Universe noong 1969.Sinabi rin niya na ang moral ng istoryang ito ay tungkol sa pag-abot sapangarap, gaano man ito maging ka-imposible.

"Definitely ay makakatulong sa akin angepisode na ito sa Magpakailanman come October. I hope so, dahil talagang na-feel ko na winner ako. Bukod kasi sa gown, ipinahiram din Ms.Gloria ang kanyang scepter."

Tungkol naman sa kanyang nalalapit napagsabak sa Miss World, ayon kay Maggie ay posibleng sa Russia ito ganapin thiscoming October. Busy pa raw siya saiba’t ibang commitments kaya hindi pa siya naghahanda para sa nasabingcompetition. Bukod sa rigorous trainingpara ma-maintain ang kanyang beauty at poise, nakatakda rin siyang mag-aral ngRussian, Spanish at French language.

Pero very positive siya sa kanyang tsansangmaiuwi ang karangalang inaasam ng maraming kababaihan.

"Busy pa, kasi I’m also a VJ for MTV, e. Tapos ay maraming function na dapat akongum-attend as a beauty queen. Perohopefully, next month ay masisimulan ko na ang preparation for the competition.

"Tungkol sa aking chances of winning? Ihaven’t met the other girls yet or seen my competition yet, pero kampanteako. I’m pretty confident, I mean, I’mwith the industry for four years and makapal ang mukha ko, hahaha! I mean, I’m not intimidated by the other contestants. I’m used to being on stage, siguro it’s just a matter of polishing andI’m learning a little bit more about Miss World."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, pagdating sa tsansa ko, one hundred tenpercent, hahaha! Hindi lang one hundredpercent or ita-try ko to win, huh, one hundred ten percent talaga, e,"nakatawang wika pa niya.

Si Ruffa Gutierrez ay itinanghal na SecondPrincess sa Miss World, plano ba niyang mapantayan o lagpasan pa ang feat naito?

"Of course, I want to be the first Miss Worldmula sa Philippines, kaya’t sana ay mahigitan ko ang nagawa ni Ruffa. And I think I have a pretty good shot atit," nakangiting pagtatapos ni Maggie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN