ON THE SET: Panday Kids in Marilao, Bulacan


The GMA-7 telefantasya Panday Kids is scheduled to end next Friday, June 4. Paulo Avelino (middle) joined the lead stars (from left) Julian Trono, Sabrina Man and Buboy Villar in one of the sequences shot in Marilao, Bulacan.


Habang papalapit na ang pagtatapos ng Panday Kids sa GMA-7 ay lalong nagiging kapana-panabik ang istorya nito na inaabangan ng mga manonood, lalo na ng mga bata.

Ang telefantasya na ito, na hango sa pinakasikat na likha ni Carlo J. Caparas, ay umere ng mahigit tatlong buwan simula noong ika-22 ng Pebrero. Ito’y pinagbibidahan ng tatlong bibong batang sina Robert "Buboy" Villar, Julian Trono at Sabrina Man.

Sa tatlong buwan na iyon ay talaga naman nagampanan ng bawat artista ang mga karakter na kinailangan nilang isabuhay. Tulad na lamang ni Marvin Agustin na gumanap bilang Lizardo na siyang pinakamatinding kalaban ng tatlong batang bida.

Nang maimbitahan ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa set ng Panday Kids sa Marilao, Bulacan, nilabas ng mga cast members ang kanilang saloobin tungkol sa nalalapit na pagtatapos ng telefantasya.

"After a while enjoy na rin itong gawin, e," ani Marvin na gumaganap bilang kontrabida na si Lizardo. "Sabi nga nila, iba, mas masarap gawin yung mga ganitong klaseng roles kasi you get to experiment, you get to play with the character."

Biro pa ni Marvin, "Hindi na bad yung character ko, e, demonyo na. Talagang si Satanas ata ako, e iba lang ang pangalan."

Sinabi naman ni Gelli de Belen, nanay ni Buboy sa Panday Kids, ang pagbibisaya ang naging mahirap na parte ng kanyang karakter dahil kailangang maging parag natural ito sa kanya. Kinailangan pa nga raw niya ng coach na magturo sa kanya at magsalin ng kanyang script.

"Nahirapan po ako. As a matter of fact, they would have a coach at the beginning just to help me out. And more than that, may script, yung dialogue chini-change niya sa Bisaya on the spot. Tapos yung emotion, dun ako nahihirapan sa pag-iiyak na, tapos may Bisaya."

Aminado ang mga cast members na bagamat nahirapan sila sa paggawa ng ilang mga eksena nila, napalapit na ang loob nila sa palabas at sa mga taong nagtulung-tulong sa pagbubuo nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang tanungin si Jolina Magdangal kung ano ang nararamdaman niya na malapit nang matapos ang Panday Kids, sabi niya, "Basta yung nalulungkot ka na dahil patapos na. Pero kasi, ganun talaga, e. Parang nabilisan lang ako masyado." Si Jolina ang gumaganap bilang si Ola.

Sa maikling panahon ay naging malapit sa isa’t isa ang mga cast, lalo na sa mga bidang Panday Kids. Karamihan sa mga cast ay nagsabing ang kakulitan at kabibuhan ng mga bata ang kanilang hahanap-hanapin.

Kuwento ni Rich Asuncion, madalas ay sa tent siya ng mga bata naglalagi dahil masayang kakulitan ang mga ito. "Sobrang kulit kami dito, kulit ng mga bata. Nag-talent portion ’yan sa tent. Basta lagi kaming masaya sa set, e, kaya dun ako lagi sa tent ng mga bata, kasi (mahilig) ako sa mga bata."

Mami-miss naman ni Gelli ang biruan nila ng mga kasamahan niyang sina Jolina at Marvin na madalas niyang biruin sa set. Pinuri rin ng TV host-actress ang kanilang director na si Mike Tuviera.


"Ah, kasi si Direk kakawentuhan ko siya sa mga movies na napapanood namin," ani Gelli. "Meron kaming same interest sa mga pelikula...kuwentuhan kami, mami-miss ko yun."

Abangan ang kapanapanabik na mga pangyayari at labanan na magaganap sa pagtatapos ng Panday Kids sa susunod na Biyernes, June 4, sa GMA-7 pagkatapos ng 24 Oras.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN