Maricris: "Mahal ko po si Nel as a close friend."


Ayon kay Maricris Dizon ng Pinoy Big BrotherSeason 2, hindi siya na-in love kay Nel (inset) bagamat "naaliw" siya sa datiniyang housemate.


Habang nasa loob noon si Maricris Dizon sa Bahay ni Kuya,aakalain mong may tama siya—as in na-praning—sa fellow Pinoy Big Brother Season2 housemate na si Bea because of Nel.

Matatandaan na pinatawan ng forced eviction si Maricris nangsabihin niya ang mga salitang "dito muna ako baka masaksak ko si Bea ."


Pinatignan tuloy siya ni Big Brother sa isang psychiatrist. Nang tanungin ngPEP (Philippine Entertainment Portal) si Maricris kung ano ang ipinayo sa kanyang psychiatrist, sinabi ng dalaga na kailangan lang daw niya kausapin angkanyang Mama at Papa tungkol sa insidente.

Sa isang press con na ginanap kaninang hapon sa 9501restaurant sa ABS-CBN compound, dinepensahan ni Maricris ang sarili laban samga nagsasabing nasiraan siya ng bait sa loob ng Bahay ng Kuya.

"Lumalabas na isyu sa akin na parang di ako normal sapag-iisip actually po normal na normal po ako. Ang payo po sa akin ngpsychiatrist ay kumalma ako dahil iba na ngayon nasa labas na ako. Kasi sa loobsuper pressured ako at saka na-tense ako kaya siguro ganu’n ang nangyari na maynasabi ako na hindi naman ganun ang ang ibig kong sabihin."



In real life ba ay may pagka-violent ka?



"No. Hanggang words lang po ako. Sa physical no. Paminsan-minsan emotionaldin po ako. At never ko pong inisip na magpakamatay. I love life."



E, bakit nasabi mong gusto mong saksakin si Bea?



"Actually, ‘yon po ang gusto kong i-explain. Parang binigyan po nila ngmeaning. Siguro po yung kinalakihan ko sa Milan iba po. Parang joke lang saakin yon. Minsan po ‘di ba ‘pag nagagalit kayo nasasabi natin na...o, sampalinkita diyan pero hindi ko po gagawin yon. Salita lang. Never ko pong gagawinyon."



Na-in love ka ba talaga kay Nel? "Hindi po. Very close lang po talaga kami as friends. Mahal ko po siya asa close friend."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Nagkaroon ba kayo ng relasyon ni Nel sa loob ng bahay ni Kuya at tipong pinagselosanmo si Bea?



"’Yon nga po, yun ang tingin nila, pero hindi ko po siya pinagselosan.‘Yon po kasing tanong ko sa kanya kung crush niya si Nel...para pong nag-ibayung mukha niya at kapag tinatanong ko siya hindi siya dumederetso ng tingin saakin. Hindi po ba kapag hindi mo naman crush parang wala lang yon, parang jokelang yon. Kasi nu’ng nag-away kami tinanong ko siya, ‘Mama Be, saan kitanasaktan? Sabihin mo sa akin para at least hindi ko na gawin sa ‘yo.’

E, ayaw niya akong sagutin ng diretso kung saan-saan siyatumitingin at ayawniya akong tignan ng deretso ng mata sa mata. Parang hindi siya nagpapakatotoo.Ganu’n po ang naging feeling ko sa kanya."



Ano ba ang nakita mo kay Nel at gusto mo siyang ipaglaban ng saksakan kay Bea? "Hahaha! Hindi po. I mean, hindi po naman kami nag-away dahil kayNel."



Pero na-in love ka kay Nel? "No..no. (laughs) Hindi po in love. Naaliw lang. Napakasarap niyangkasama. ‘Pag minsan kasi nalulungkot ako tapos siya nagpapatawa. He’s funnykasi."



Hindi ka sexually attracted sa kanya? "Nooooo. Honest. Ang naging crush ko po si Robert (laughs)."



May boyfriend daw si Maricris sa Milan na ang pangalan ay Jun Bautista. Nanu’ng una ay hindi gusto ng father niya. Dinededma ng kanyang tatay ang kanyangboyfriend. At ‘yon ang parang nadiskubre ng psychiatrist ng PBB. Kung kaya ‘yonang main reason kung bakit naasar siya kay Bea.

Ayaw daw kasi ni Maricris na kapag nakikipag-usap siya aydinededma siya. Kumbaga, parang nakita niya kay Bea ang attitude ng father niyanu’ng dinededma ang kanyang first boyfriend.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN