Aryana shifts from singing to newscasting


Former SOP mainstay Aryana Lim has fulfilled her other dream other than singing—newscasting. The singer mentions Mel Tiangco and Vicky Morales as her role models.



Nage-enjoy sa pagiging newscaster ngayon ang dating mainstay ng SOP na si Aryana. Aryana Lim na ang ginagamit niyang screen name sa I-Watch News ng RPN-9, na nage-air tuwing 10:00 p.m. every night.

Kahit natanggal si Aryana sa SOP ay may dumating naman agad na kapalit. Ito nga ang pagiging newscaster sa Nueve. Bukod nga raw sa pagiging singer, pinangarap noon ni Aryana na maging isang newscaster noong nasa Guam pa siya.



"It’s a new thing for me and I’m very excited about it," sabi ni Aryana. "I’m very much amazed of how relaxed and composed a lady newscaster is. Pero sa totoo lang, nakakakaba pala. But you still have to be poised kasi nga in I-Watch News, I’m one of the anchor hosts, kaya hindi puwedeng mahalata na kabado ka.



"I’m learning from day-to-day by watching other newscasters sa TV, like Mel Tiangco and Vicky Morales. Pero I still have to do my own style. So far, I’m doing great and I’m getting good feedbacks. Akala nga raw nila, hanggang pagkanta lang ako. I can also do the news pala," pagmamalaki ni Aryana.



Dream din ni Aryana na magkaroon ng sariling talk show. Fan na fan nga siya ng mga entertainment shows tulad ng ET News at TRL: Total Recall Live.



"I love those shows," aniya. "Sana may gano’ong klaseng format ng show dito sa atin. Iyong talagang hip and anything goes. I love the way Hilary and Vanessa Minillo do their own things on the show. Pati na rin si Maria Menounos.



"Favorite ko rin si Tyra Banks because she’s such a great person to listen to. Hindi siya intimidating at parang you can say many thing to her at makikinig siya. Locally, I like Pia Guanio. She’s very cool and very intelligent on television. You can sense na may command siya of what she’s doing and she’s enjoying it all at the same time."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Patuloy pa rin daw kakanta si Aryana kung may mga shows na naka-schedule for her. Pero ang pagiging newscaster ang gusto niyang pagtuunan ng pansin ngayon at marami pa raw siyang gustong matutunan sa field na ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN