Meet Kim Min Yung and Bianca on Bubble Gang


The comic characters of Kim Min Yung (Ogie Alcasid, left) and Bianca (Michael V, right) will be special guests in the July 2 episode of Bubble Gang.


Bago pa man sila masilayan ngayong Lunes sa kanilang programang Hole In The Wall, may patikim muna ang winner na tambalan nina Ogie Alcasid at Michael V. ngayong Biyernes ng gabi, July 2, sa Bubble Gang.

Ipinakikilala sina Kim Min Yung, ang Korean heartthrob na gagampanan ni Ogie, at si Bianca, ang kolehiyalang patay na patay kay Kim, na magiging role naman ni Bitoy. Ano kaya ang pinagkaiba nila kanila Yaya at Angelina na unang nang bumida sa hit na game show ng GMA-7?

Samantala, naghanda rin ng mga gags at sketches ang BG barkada tulad ng "Angel and Devil," kwento tungkol sa maaaring kahinatnan kapag may totoong angel at devil sa isang opisina.

Nanriyan din ang "Puyatang Mwah," isang sketch tungkol sa walang katapusang i love you-han at paalamanan sa telepono.

At ang "Jejemon Rehab," na nagtatampok naman sa isang rehabilitation center para sa mga pasyenteng jejemon.

Lahat ng ito ay mapapanood sa Bubble Gang kung saan panauhin sina Rocco Nacino, Princess Snell at Jackie Rice ngayong Biyernes, July 2, pagkatapos ng Diva sa GMA Telebabad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN