Agua Bendita is the most-watched teleserye nationwide last June, according to Kantar Media-TNS data


According to the national TV ratings survey of Kantar Media/TNS, Andi Eigenmann’s Agua Bendita received an average rating of 40.3 percent for the month of June. This primetime series also stars Matteo Guidicelli (left) and Jason Abalos (right).


Noong buwan ng Hunyo, ang ilan sa mga pinakapopular na mga palabas ng ABS-CBN ay ang Agua Bendita, ang finale ng Pilipinas Got Talent kunsaan nanalo si Jovit Baldivino, at ang pagtatanghal kay James Reid bilang Big Winner ng Pinoy Big Brother Teen Clash of 2010. Ito ay ayon sa isang report ng Corporate Communications department ng Kapamilya Network batay sa national, Mega Manila, at Metro Manila TV ratings survey ng Kantar Media/TNS.

Ayon sa naturang report, nagkaroon ang ABS-CBN ng audience share na 44 percent sa nationwide ratings sa buwan ng Hunyo. Ito ay mas mataas ng 13 puntos sa GMA-7 na mayroon lamang 31 percent.

Mas lumalawak din daw ang lamang ng Kapamilya Network sa Mega Manila sa audience share na 36 percent laban sa 34 percent ng Kapuso Network.


Pagdating naman sa audience share sa Metro Manila, umangat ng anim na puntos ang ABS-CBN dahil nakakuha ito ng 38 percent kumpara sa 32 percent ng GMA-7.


Para sa buwan ng Hunyo, nasa No. 1 spot sa national ratings ang teleseryeng pinagbibidahan ni Andi Eigenmann, ang Agua Bendita, dahil sa average rating nito na 40.3%.


Pumangalawa naman ang Pilipinas Got Talent, kung saan hinirang na grand winner ang Batangueñong siomai vendor na si Jovit Baldivino, na pumalo ng 37.2% sa pag-ere nito ng Linggo at 36.7% sa pag-ere naman nito ng Sabado, na siya ring sumungkit sa ikatlong slot.


Pinakapinapanood pa ring newscast sa bansa ang TV Patrol World batay sa rating nito na 32.9% laban sa 24 Oras ng GMA-7 na nasa 22nd slot dahil sa average rating nito na 21.3%.


Ang Pinoy Big Brother Teen Edition Clash 2010: Unite at the Big Night, na kumilala sa Fil-Australian teen-ternational housemate na si James Reid bilang Big Winner, ay pasok rin sa top 10 sa ika-siyam na puwesto sa rating na 27.6%.


Sa pagrampa ng fashion-serye na Magkaribal, tampok sina Gretchen Barretto at Bea Alonzo, pinatunayan nito na mahigpit din silang karibal pagdating sa TV ratings dahil nalagay ito sa ika-11 na puwesto at pumalo sa 27.3% sa unang linggo nito.


Kabilang pa sa mga programang pasok sa Top 10 ay ang mga sumusunod: Kung Tayo’y Magkakalayo (34.5%), Maalaala Mo Kaya (33.2%), You Got It Sunday (30.1%), You Got It Saturday (29.1%), at Rated K (27.6%). Ang You Got It ang two-part concert ng mga Pilipinas Got Talent finalists.


Ang Kantar Media/TNS ay isang market research group na kinikilala sa buong mundo at naghahatid ng audience research measurement systems sa 32 bansa. Nagsimula itong maglabas ng datos para sa national television audience measurement (NUTAM) noong February 2009 at may panels na binubuo ng 1,370 representative households, na sumasakop sa urban Philippines at nag-uulat sa pitong sektor: NCR, Suburbs, North Luzon, Central Luzon, South Luzon, Visayas at Mindanao.


Lumipat ang ABS-CBN sa Kantar Media/TNS matapos magsampa ang Kapamilya Network ng kaso laban sa AGB Nielsen Media Research sa hindi nito pagsunod sa hinihiling na imbestigasyon sa diumano’y pandaraya at pagmamanipula ng datos sa kanilang TV ratings. Nakabinbin pa rin ang kaso sa korte hanggang sa kasalukuyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN