GMA-7 crowns Yasmien Kurdi as its new "Drama Princess"


Even Yasmien Kurdi was surprised when she was introduced as GMA-7’s "Drama Princess" during the press con of Pati Ba Pintig ng Puso?. "Hindi ko alam kung bakit nila akong tinawag na ganoon. Nagulat talaga ako," says Yasmien.



Nagsisimula noong May 21 ang bagong Sine Novela ng GMA-7 na Pati Ba Pintig ng Puso? bilang kapalit ng magtatapos na Muli. Magiging ka-back-to-back nito ang isa pang Sine Novela na Sinasamba Kita.

Ang Pati Ba Pintig ng Puso? ay remake ng 1985 movie ng Viva Films starring Sharon Cuneta, Gabby Concepcion, and Eddie Garcia. Kay Yasmien Kurdi ibinigay ang Sharon role na Jenny, ang katulong na mapapangasawa ng herederong character noon ni Gabby na si Aldrin, now played by JC de Vera. The Eddie Garcia character, Don Griego, will be portrayed by Eddie Gutierrez. Gil Tejada, fresh from his successful primetime hit Bakekang, directs this TV remake.

Sa press con for the show na ginawa kagabi, May 15, sa 17th floor ng GMA-7 compound, ipinakilala si Yasmien bilang "Drama Princess." Gulat ang naging unang reaction ng young actress.

"Nagulat ako! Ang sabi ko sa katabi ko, ‘Hoy, ano ‘yon?’ Isip ko, baka nagkamali lang sila. Hindi ko alam kung bakit nila akong tinawag na ganoon. Nagulat talaga ako," hindi pa rin makapaniwalang sabi ni Yasmien sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Hindi iniisip ni Yasmien ang mga ganitong title dahil nagtatrabaho lang daw siya. Parang mas na-pressure siya ngayon sa pagkakatawag sa kanya bilang GMA-7’s Drama Princess. Sa ABS-CBN, si Judy Ann Santos ang tinatawag na Drama Princess, samantalang si Maricel Soriano naman ang Drama Queen.

"Biglaan nga lang ito," sabi ni Yasmien tungkol sa Pati Ba Pintig ng Puso?. "Ibinigay sa akin kung kailan lang. Pinanood ko muna ang pelikula ni Ate Sharon tapos nagustuhan ko ang movie kaya nag-go na rin ako. I will just do my best na lang para ma-earn ko ang title.’

This is Yasmien’s first solo soap opera. Naghati sila noon ni Sheryl Cruz sa "Tinig" episode ng Now and Forever at ni Sunshine Dizon naman sa Bakekang, both very successful drama series of GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN