Eugene Domingo will celebrate her birthday on GMA-7’s Wachamakulit


Eugene Domingo will celebrate her 39th birthday with a special episode on her GMA-7 show Wachamakulit. It will air this Friday, July 23.


Extra special ang episode ng Wachamakulit ngayong Biyernes, July 23, dahil birthday ng top comedienne na si Eugene Domingo.

Dapat abangan ang mga nakakaiyak at nakakahagikgik na special messages ng mga bestfriends ni Uge na sina Regine Velasquez, Tony Mabesa, Cherry Pie Pecache, Judy Ann Santos, Direk Dominic Zapanta, Direk Wenn Deramas, Allan K, Wendell Ramos, at Dennis Trillo.

Para naman kiligin si Uge, ang mga special friends niyang sina Anjo Yllana, Ricky Davao at Fabio Ide ang maglalaban-laban sa tatlong rounds ng nakakawindang na hulaan. Balatuhan kaya ng mananalo si Uge ng grand prize na P50,000?

Para subukan ang tikas ng mga lalaking ito ay ang napakakulit ngunit napakabait na si Jillian Ward ng Trudis Liit. Mag-iimpersonate si Jillian ng pinahuhulaang artista o propesyon.

Siyempre, hindi magpapahuli ang Palaband na pinangungunahan ng mataba at pilyong batang si Miggy at ang makukulit na kiddie describers na pinangngunahan ni Franchesca (Cruzita ng Marimar) sa pagpapasaya kay Eugene sa kanyang kaarawan.

Lahat ng ito at marami pang iba sa birthday celebration ni Eugene Domingo sa Wachamakulit ngayong Biyernes, July 23, bago mag-Hole in the Wall.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN