CNN Hero Efren Peñaflorida helps search for modern heroes in Ako Mismo


Get to know more about CNN Hero of the Year Efren Peñaflorida (wearing red) in the July 29 episode of TV5’s Ako Mismo.


Mula sa masigasig na pagtutulak ng "kariton classroom" hanggang sa pagiging CNN Hero, ipakikilala ng Ako Mismo bilang bagong co-host ang nagpapatunay na maaaring maging bayani ang bawat Pilipino, si Efren Peñaflorida.

Matapos humanga ang buong mundo sa kabayanihan niya, ilalaan ng programa ang episode ngayong Huwebes, July 29, upang lubos na makilala si Kuya F; ang kanyang nakaraan, pamilya at ang daan tungo sa narating niya.

Makakasama ng 2009 CNN Hero of the Year ang idolo ng kabataan at hard court heartthrob na si Chris Tiu sa paghahatid ng sari-saring kwento ng pagtutulungan at kabayanihan ng mga sikat at ordinaryong tao, upang maging ehemplo ng makabagong henerasyon.

"Our planet is filled with heroes, young and old, rich and poor, man, woman of different colors shapes and sizes. We are one great tapestry... Each person has a hidden hero within, you just have to look inside you and search it in your heart, and be the hero to the next one in need," ayon pa kay Kuya F.

Bitbit ang paniniwala sa kahalagahan ng edukasyon, nangarap si Kuya F na baguhin ang buhay ng mga kabataan sa pamamagitan ng paghahatid ng kaalaman gamit ang kariton. Nagbunga ang pangarap at pagkilos—hindi lang sa Cavite kung saan niya itinaguyod ang advocacy—kundi pati na rin sa bawat sulok ng mundong naaabot ng mensahe ng kabayanihang hatid niya.

Mula sa kalsada ng Cavite hanggang sa maningning na awards rites sa Kodak Theater sa Hollywood, patunay ang kagustuhan ni Kuya F na bigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na mangarap at matuto, upang maging bagong Ako Mismo backpack journalist na maghahanap ng mga bayani ng modernong panahon.

Samahan sina Chris Tiu at Efren Peñaflorida upang tahakin ang landas ng mga modern-day heroes sa Ako Mismo, tuwing Huwebes, 10:00-10:30 pm sa TV5.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN