Eat Bulaga! offers two days of grand celebration and prizes on its 31st anniversary


The tried and tested trio of Tito Sotto, Joey de Leon and Vic Sotto and their Dabarkads continue to give fun and prizes in the longest running noontime show in the country Eat Bulaga! Now on celebrating its 31st year, the show will give away iPads, cellphones and cash on its two-day celebration.



Mamumudmod ng biyaya, grasya at kasiyahan ang longest running noontime show na Eat Bulaga! ngayong Biyernes at Sabado kaugnay ng ika-tatlumpung anibersaryong selebrasyon ng programa mula nang umere ito sa telebisyon noong July 30, 1979.

Mamamahagi ng iPads, mamahaling cellphones at cash ang Bulaga ngayong Biyernes pa lang, at sa Sabado, higit pang blessings ang maiuuwi ng manonood sa studio at sa bahay, bukod sa santambak na celebrities na magiging bahagi ng kasiyahan!

Sa tatlumpung taong pamamayagpag ng EB sa telebisyon, nanatiling nakatayo at nagre-rate ang programa sa kabila ng lahat ng bagyo, intriga, kontrobersiya at pang-aaping dumating dito. Ilang shows na rin ang tumapat dito, ngunit umeere pa rin ang Bulaga habang nangagsiwala na nga ang mga tumapat dito.

Kaya naman panay ang pasasalamat sa publiko ng main hosts na sina Tito Sotto, Vic Sotto and Joey de Leon at mga Dabarkads na sina Ruby Rodriguez, Pia Guanio, Jimmy Santos, Allan K, Anjo Yllana, Michael V, Ryan Agoncillo, Pauleen Luna, Julia Clarete, Keempee de Leon, Jose Manalo, Wally Bayola, EB Babes, Sex Bomb at Daiana Meneses, sa walang-sawang pagtangkilik sa show, lalo na sa mga sa iba’t ibang palaro at pakulo sa programa.

Sa selebrasyon ng 30th year ng Bulaga ngayong taong ito, ihaharap ang 30 EB Scholars na tinutustusan ng programa ang pag-aaral. Ito ang 30 high school students mula sa mga mahihirap pero matatalinong estudyante galing sa iba’t ibang sulok ng bansa. Buwan-buwang tumatanggap ang mga ito ng allowance upang matupad ang mga pangarap ng mga ito sa pamamagitan ng edukasyon.

Pumili rin ang show ng EB Heroes. Mga indibiduwal na patuloy na isinasakprisyo ang kanilang buhay at oras para sa mga gawaing makabuluhan, mapaglingkuran lamang ang kapus-palad nating mga kababayan. Idagdag pa riyan ang pagpapagawa ng EB Classroom sa isang tagong bayan sa Quezon bilang kontribusyon ng show sa programang edukasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon naman, ang mga baranggay at mga residente sa Metro Manila at mga probinsiya ang binibigyan ng biyaya ng Bulaga sa portion na "Juan For All, All For Juan" na hino-host nina Jose at Wally. Dahil sa tulong na naipamamahagi ng programa, hayun at dumagsa na ang requests ng iba’t ibang barangaysupang gawin sa lugar nila ang kasiyahan.

Marami pang planong makabuluhan ang Eat Bulaga! sa publiko sa mga susunod pang taon bilang paraan nilang suklian ang walang-sawang pagtangkilik sa show na papasok na sa ika-tatlumpu’t isang taon ngayong Sabado.

Kaya bukod sa mga makatuturang adbokasiya ng Bulaga, hindi pa rin mawawala ang katuwaan at kaligayahan ng programa tuwing tanghali sa portions nilang "Sa Pula, Sa Puti," "Bulagaan" at "Pinoy Henyo."

Ngayong Sabado, July 31, tampok ang mga kilalang artista, celebrities at maging mga dating hosts ng EB sa nasabing segments upang maglaro.

Sa muling pagbabalik naman ng nakakawindang na game na "Keri Mo Teh," magpapaligsahan sa iba’t ibang challenges ang mga komedyanteng sina Ate Gay, Ate Glow at Teri Onor!

Talagang walang-patid ang kasiyahan sa grand 31st anniversary celebration ng Eat Bulaga!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN