Pilipinas Win Na Win begins airing on ABS-CBN


Pilipinas Win Na Win promises to take TV viewers and studio audience to a new level of excitement with its new set of games and prizes. It is hosted by Kris Aquino (left) and Robin Padilla together with Mariel Rodriguez, Valerie Concepcion and Pokwang.


Nagsimula na ngayong Sabado ng tanghali, July 31, ang pinakabagong Kapamilya noontime show—ang Pilipinas Win na Win!


Sa kauna-unahang pagkakataon, nagsama sa isang noontime show ang dalawa sa pinakamalalaking bituin ng Philippine showbiz na sina Queen of All Media Kris Aquino at ang "Pambansang Utol" Robin Padilla, kasama ang tatlong "Paborito sa Pananghalian" na sina Mariel Rodriguez, Valerie Concepcion at Pokwang.


Sa opening number kanina, pinatugtog ang "I Gotta Feeling" at sinabi ni Robin Padilla sa mga manonood: "It’s nice to be back!" Umakyat naman ang action star at nagpakitang-gilas sa pamamagitan ng pagtalon mula sa railing at mag-front roll. Nagkaroon naman ng fireworks sa stage bago lumabas si Kris at nagsabi sa audience: "Kung sabi ni Robin na he’s back, I’m here to stay!"


Pinakita sa audience ang anak ni Kris na si Baby James, business unit heads Lauren Dyogi, Deo Endrinal at corporate communications head Bong Osorio.


Pagkatapos nila kantahin ang theme song ng Pilipinas Win na Win, nagbiro si Kris, "Baka sabihin nila na unang araw pa lang, nang-aagaw na ko. Dito ka nga sa gitna." Pinapunta niya si Robin sa tabi ni Mariel at humirit naman si Pokwang na wag mang-agaw si Mariel. Lumapit si Pokwang kay Robin at buong giliw na aktong hinalikan ni Robin ang komedyante.


STAR-STUDDED PILOT EPISODE. Ayon sa business unit head ng show na si Jay Montelibano, star-studded event ang pagbubukas ng Pilipinas Win na Win. "Piolo Pascual will be here. Si Kuya Boy Abunda, kakaiba ang gagawin niya. Close friends of both Kris and Robin will be here, too, at yung iba would be a surprise."

Kabilang pa sa mga guests sina Martin Nievera, Ai-Ai delas Alas, Christian Bautista, Toni Gonzaga, Cristine Reyes, Karylle, Juris at child wonders na sina Xyriel "Momay" Manabat at Zaijian "Santino" Jaranilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang tanungin si Jay sa kung ano ang mga bago sa Pilipinas Win na Win, sinabi nitong tiyak na maraming masisiyahan sa mga mapapanood nila. "The set will stay. Yung staff naman saka yung mga dancers, they will stay. Pati si ’Congratulations’ [April Gustilo], she’ll stay. It’s the game segments that will see really total change. Naka-tailor fit talaga yung segments for Kris and Robin at kino-complement pa rin naman nina Mariel, Valerie at Pokwang."

Dagdag ni Jay, magiging kaabang-abang ang bagong kombinasyon ng mga hosts. "We know, of course, Kris as being the Media Queen, and bihasa na siya sa pagho-host ng mga ganyang palaro. Robin has the charisma. It would actually be an interesting combination. Iisa kasi yung adhikain nila, yung mapasaya yung tao. So both have the heart. Both have the passion. It’s very, very interesting to see the mix."

Ngunit higit pa sa mga hosts, inihayag ni Jay na ang bagong hatid na palaro at papremyo ang mas lalong magbibigay-saya sa mas maraming Pilipino. "Focused ang Pilipinas Win na Win sa indibidwal, barangay, pamilya at sa lahat ng Pinoy sa buong mundo. Mamimigay pa rin siyempre ng milyong papremyo. Pero ngayon, mas maraming mananalo. Kasi kung dati, yung games ay one-is-to-one. Ngayon, mas pampamilya at mas pangmaramihan. It’s interactive with the barangay at may palaro para sa pamilya," ani Jay.

Samantala, sa gitna ng kanyang rehearsal para sa opening number niya sa Sabado, isang mensahe ang ipinarating ni Robin sa mga manonood na excited na silang makita.

"Ako’y nagpapasamalat sa pamunuan ng ABS-CBN at sa lahat ng mga taong nagdasal na magkaroon ng pag-asa at maisakatuparan ang program naming Pilipinas Win na Win. Dito, lalo po nating gagawing bida ang mga tao. Kami ay tagapangasiwa lang ng programa. Sisiguraduhin kong mananatiling bida, unang-una siyempre ang mga kababayan nating mga Pilipino."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mapapanood ang Pilipinas Win na Win, mula Lunes hanggang Sabado, 12nn, sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN