Piolo Pascual to guest in the May 26 episode of "Master Showman"


Piolo Pascual (right) started his showbiz career in the youth-oriented show That’s Entertainment of Kuya Germs on GMA-7. More than ten years later, Piolo will guest for the first time in the veteran host’s late-night program, Master Showman Presents Walang Tulugan, this Saturday.



Nagpapahihinga ang beteranong TV host na si German "Kuya Germs" Moreno nang datnan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa basketball court ng Barangay Pinyahan last Saturday, May 19. Katatapos lang i-tape ni Kuya Germs ang pilot episode ng bago niyang show para sa QTV 11. This time, balik-game show si Kuya Germs sa Game Show Mo ‘To, na mapapanood tuwing Sabado ng umaga.

Obvious na na-miss ni Kuya Germs ang paghu-host ng game show dahil super-energy talaga siya bawat take. Matatandaan na huling nag-host ng isang game show si Kuya Germs noong ’80s, isang 30-minute pre-programming para sa Sunday musical variety show niya noon sa GMA-7, ang GMA Supershow.

Ang komedyante at stand-up host na si Cheena ang co-host ni Kuya Germs sa Game Show Mo ‘To. Huling regular show na napanood si Cheena last year sa Wowowee ng ABS-CBN.

At least, mauuna si Kuya Germs na maiere ang kanyang bagong programa kesa sa bagong game show ni Paolo Bediones sa GMA-7.

After ng taping, nilapitan ng PEP si Kuya Germs upang kunan ng pahayag sa paggi-guest ng dating member ng That’s Entertainment na si Piolo Pascual sa mga programa ng GMA-7, kabilang na ang Master Showman Presents Walang Tulugan ni Kuya Germs. Si Piolo pa mismo ang nagsabi sa album launch ng soundtrack ng pelikula nila ni Regine under Star Records—ang Paano Kita Iibigin—na maggi-guest siya sa late-night talk show ni Kuya Germs.



Mahigit sampung taon na rin ang nakalipas mula nang maging bahagi si Piolo ng sikat na youth-oriented show noon ni Kuya Germs. Sad to say, hindi nabigyan ng chance si Piolo na mapansin at mag-shine sa That’s Entertainment during his stay there.

Pero ngayong Sabado, muling magkikita nang personal sina Kuya Germs at Piolo.

"Nakakatuwa naman dahil naisipan nila na dumalaw sa show natin si Piolo. Meron akong inihandang sorpresa para sa kanya. Abangan ninyo sa Sabado," pang-iimbita ni Kuya Germs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN