"Hati House Task" separates Bruce from Wendy in PBB


The Commercial Babe and the Basketball Hunk find a way to go around Kuya’s rules.


Tuluyan nang nagbalik bahay kagabi sina Kian Kazemi at Wendy Valdez na labis na ikinatuwa ng mga housemates.

Pero sa pagpasok ng dalawa, dala nila ang isang task na pumutol sa kanilang kasiyahan—ang "Hati House Task."

Ayon sa task na ito, ipinagbabawal ang kahit anong paraan ng pag-uusap sa pagitan ng mga babae at lalaking housemates.

Nalungkot si Bruce sa ibinigay na task ni Kuya kaya’t agad itong nag-isip ng alternatibong paraan para masabi ng mga lalaki ang mensahe nila sa mga girl housemates nang hindi nila ito direktang kinakausap.

Naisip ng basketbolista na puro parinigan lang ang gagawin nila para kahit hindi sila naghaharap ay maipapaalam pa rin nila ang mga gusto nilang sabihin sa isa’t isa.

Bakas sa mukha ni Bruce ang pagkadismaya dahil kahit dumating na ang pinakaaasam-asam niyang sandali ng muling pagkikita nila ni Wendy ay saka naman ibinigay ni Big Brother ang Hati House Task.

Kailan papayagan ni Kuya na muling magkausap ang mga babae at lalaking housemates? Makatiis kaya si Bruce na tingnan na lamang at paringgan si Wendy? Abangan ang kasagutan sa Pinoy Big Brother Season 2.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN