Carmina Villarroel engages Kapuso singers in a singing showdown


On the September 3 episode of Love ni Mister, Love ni Misis, Carmina Villarroel and Zoren Legaspi (both in photo) will be joined by Kapuso singers Kyla, Jonalyn Viray, Aicelle Santos, Maricris Garcia, and Rachelle Ann Go.


Isang umagang umaapaw sa kantahan at biritan ang mapapanood ngayong Biyernes, September 3, sa Love ni Mister, Love ni Misis.

Ang mga GMA-7 singers na sina Kyla, Jonalyn Viray, Aicelle Santos, Maricris Garcia, at Rachelle Ann Go ay sama-samang magpapatagisan ng galing sa singing.

Alamin ang kanilang mga mahahaba at mahihirap na pinagdaanan bago naabot ang pangarap nilang bituin.

Pakinggan ang pinakamataas at pinakamababang boses sa kanilang pagpapakitang-gilas ng highest at lowest notes sa pamamagitan ng isang pambihirang kantahan.

Tutukan ang mga pahayag ng mga taong nagtulak at tumulong sa kanila para maabot ang tagumpay na minsan lang ay kanilang pinangarap.

Pagdating sa kantahan, hindi umurong si Carmina dahil siya mismo ay sumabak sa singing at sumabay sa jamming ng mga biriterang bisita.

Mapapanood ang Love ni Mister, Love ni Misis weekdays ng umaga sa GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN