ASAP XV offers a Bling-Bling party this Sunday


ASAP XV continues its Supahdance monthlong Special with a Bling-Bling party this Sunday.


Sa pagpapatuloy ng ASAP XV Supahdance Monthlong Special ngayong Linggo, makihataw sa isa na namang malupit na ASAP XV Bling-Bling Party.

Isang Supahdance Special ang papasabugin ng ASAP All-Star Kapamilya kasabayan ang mga astig na Pinoy Dance Crew, Philippine All Stars, Amplified Hip Hop, Velasco Brothers, XB Gensan at G-Force.

Pakatutukan ang isa na namang Supahdance special opening at saksihan ang mga never before seen dance showcase mula mismo sa inyong mga paboritong ASAP Kapamilya.

Magpapasiklab ang Supahdance Krew ka-back to back ang mga ASAP Teleserye Princesses sa kanilang naiibang Supahdance performance.

Ultra-hot at ultra-chic naman ang kaabang-abang na dance special mula sa ASAP Leading Ladies.

Abangan din ang One and Only Popstar Princess na si Sarah Geronimo sa isang malupit na pagtatanghal ng SOS.

Tunghayan din kung sinu-sino pa ang mga ASAP Kapamilya na magpapa-init sa ASAP dancefloor ngayong linggo.

Mula Supahdance showdown may pasabog din ang mga magagaling at maiinit na ASAP Concert Artists.

Maki-jamming kasama ng ASAP Sessionistas, The Champions, ASAP music icons Zsa Zsa Padilla, Vina Morales, Christian Bautista at Sarah Geronimo.

Hindi rin magpapahuli ang Ultimate Concert Performances mula sa Prince of Pop Erik Santos, International R&B sensation Billy Crawford at Mr. Pure Energy Gary Valenciano.

Tunghayan ang pinaka-malaking pagsasama-sama ng mga sikat na ASAP Kapamilya at Pinoy dance groups sa ASAP XV Bling Bling Party ngayong Linggo, September 12, 12:15 ng tanghali.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN