Kapuso dance royalty visit Love ni Mister, Love ni Misis


Diva Montelaba and Enzo Pineda are among the guests in the September 15 episode of Love ni Mister, Love ni Misis.


Ngayong Miyerkules, isang masayang sayawan ang magaganap sa pagbisita ng mga young Kapuso stars na idol natin sa hatawan.

Humanda para sa isang bonggang opening number kung saan napasayaw ang buong studio ng Love ni Mister, Love ni Misis kasama na sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi mismo.

Magpapasikat sa dance floor ang dance groups na pambato ng tatlong barangay na binisita ni Mareng Lou kasama ang mga Kapuso stars. Alamin ang mga nakaka-inspire na kuwento sa likod ng pagkabuo ng kanilang mga grupo at paano nabago ng pagsasayaw ang kanilang mga buhay.

Ang mga bisita nating celebrities na sina Enzo Pineda, Diva Montelaba, Mico Aytona, Yassi, Mayton Eugenio, at Winwyn Marquez ay may mga ikukuwento rin tungkol sa kakaiba nilang galling sa pag-indak, mga di malilimutang karanasan sa hatawan. Pati ang mga finalists ng nangungunang dance-reality show ng GMA-7 na Danz Showdown, may matinding patalbugan. At siyempre hindi pwedeng mawala sa sayawan ang Sexbomb girls na may dala ring explosive na sorpresa para sa mga manonood.

Kaya sayaw na mga Kapuso ngayong Miyerkules ng umaga at maki-join na sa saya sa Love ni Mister, Love ni Misis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN