Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

BIR commisioner will explain tax woes of celebrities

Sep 15, 2010
Bureau of Internal Revenue commisioner Kim Henares will guest in the September 18 episode of The Bottomline with Boy Abunda. She will talk about the BIR case faced by GMA-7 star Mark Herras (in photo) as well as other topics.

Haharap sa matitinding tanong ang Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner na si Kim Henares sa The Bottomline with Boy Abunda ngayong Sabado, September 18. Lahat ng usaping patungkol sa buwis bubusisain kabilang ang mga buwis na kinakaltas sa sweldo ng mga manggagawa at sa binabayaran na taxes ng mga mamamayan buwan-buwan.

Pag-uusapan din ang imahe ng ahensya sa mga Pilipino. Bakit natatakot ang marami sa BIR? Bakit sa ilan, hindi maganda ang imahe ng BIR? Iisa-isahin ang mga perception ng mga Pilipino sa ahensya at ang revised code of conduct ng BIR para sa mga empleyado nito.

Sino-sino nga ba ang mga tax evaders na nakasuhan na ng BIR at sino-sino ang mga hinahabol nila ngayon? Ano ang katotohanan sa BIR case na kinasasangkutan ngayon ng GMA-7 actor na si Mark Herras? May paglilinaw si Commissioner Henares sa isyung ito. At bakit ba mainit ang mata ng BIR sa mga artista? Ano ba ang gustong iparating na mensahe ng BIR sa mga celebrities na lagi na lang nagiging target ng ahensya?

Kabilang sa mga binatong katanungan ng mga Bottomliners kay Commissioner Henares ay ilang mga scenarios na kung saan hiningan siya ng paliwanag. Kapag nakapulot ka ba ng pera, ito ay may kaukulang tax? Kung ikaw ay pinamanahan ng bahay, lupa o pera, may babayaran ka bang tax sa pamahalaan? Kung magtatayo ka ba ng maliit na negosya gaya ng tindahan ng sago o lugawan sa tapat ng iyong bahay, may obligasyon ka bang magbayad ng tax sa gobyerno? Taxable din bang maituturing kung makatanggap ka ng pera mula sa isang kamag-anak na nakatira na sa ibang bansa?

Abangan ang mga sagot sa mga katanungan na ito ngayong Sabado ng gabi, September 18, sa The Bottomline with Boy Abunda, pagkatapos ng Banana Split.

Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos


Read Next
Read More Stories About
TV, television, ABS-CBN
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bureau of Internal Revenue commisioner Kim Henares will guest in the September 18 episode of The Bottomline with Boy Abunda. She will talk about the BIR case faced by GMA-7 star Mark Herras (in photo) as well as other topics.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results