Super Twins to guest in Fantastic Man


Super Twins Jennylyn Mercado and Nadine Samonte (right) guest in Mark Herras’s (left) Fantastic Man.


Bago magtapos ang drama-adventure series na Super Twins, starring Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, at Nadine Samonte, nagkaroon ng ideya na magkita ang Super Twins at si Fantastic Man, ang ginagampanan na superhero ni Mark Herras sa Fantastic Man, ang Saturday show ng GMA-7.

Ang plano, maggi-guest star si Fantastic Man sa huling linggo ng Super Twins at magkakasama ang tatlong superheroes.

Nagawa na ang ganitong crossover sa last episode ng Darna ni Angel Locsin noon, kung saan nagpakita si Captain Barbell, ang pumalit na show rito, starring Richard Gutierrez.

Dahil sa kagahulan ng iskedyul, hindi na natuloy ang pagpapakita ni Fantastic Man sa show ng Super Twins, ngunit napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na matutuloy pa rin pala ito. This time, ang Super Twins na lang ang bibisita kay Fantastic Man in one special episode.

Araw ng cast and production party ng Super Twins last Friday nang kinunan din ang episode ng pagsasama nina Fantastic Man at Super Twins, kung kaya’t nahuli ng dating sina Nadine at Jennylyn sa party kinagabihan.

One-shot deal lang ito at walang plano ang Fantastic Man creative director na maging recurring characters ang Super Twins sa show nila now that Super Twins is about to end its run.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN