Will the characters of Lovi Poe and Mark Anthony Fernandez’s characters patch things up in Say I Do?


During their honeymoon, newlyweds Alvin (Mark Anthony Fernandez) and Faye (Lovi Poe) have a bitter fight. Find out on GMA-7’s Say I Do if they will they be able to patch things up.


Ngayong Linggo (September 19), saksihan ang pagtatapos ng love story ng mga karakter nina Mark Anthony Fernandez at Lovi Poe sa finale episode ng Say I Do.

Dahil sa tindi ng galit ni Alvin (Mark), hahamunin niya ng hiwalayan si Faye (Lovi). Sa mismong honeymoon nila, magkakalabuan nga ang dalawa. Uuwi si Faye nang hindi sila nag-uusap.

Kung kelan wala na si Faye, saka naman marerealize ni Alvin na mali nga ang iniisip niya tungkol kay Sean (Dion Ignacio) dahil malalaman niyang pamilyadong tao na rin pala ito.

Susubukan niyang mag-apologize kay Faye pero nasaktan na niya talaga ang babae. Ayaw ding tanggapin ni Faye si Alvin hangga’t hindi nito naaayos ang mga issues niya sa buhay.

Maayos nga ba ni Alvin ang lahat para kay Faye? Ano nga ba ang pwede niyang gawin para maibigay ang sarili ng buong-buo kay Faye? Sa huli, kaya pa rin bang mangingibabaw ng pagmamahalan nila para sa isa’t isa?

Ang finale ng Say I Do ay mapapanood ngayong Linggo pagkatapos ng Party Pilipinas sa GMA-7.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN