Mommy Yen evicted from "Pinoy Big Brother" Season 2


Ang modernong ina na si Yen Galagnara ng Quezon City ang fifth evictee mula sa Bahay ni Kuya.


Sa sixth eviction night ng Pinoy Big Brother Season2, hindi pinalad si Yen Galagnara ngQuezon City nang matanggal siya nitong Sabado, May 26, dahil sa mababang botona nakuha niya mula sa viewers ng naturang reality show.

Saapat na housemates na nominated for eviction, ang "modernong ina" na si Yen angnakakuha ng pinakamababang percentage ng votes (4.59%). Nagtagal si Yen ngdalawang linggo sa loob ng Bahay ni Kuya at siya ang naging 10th housemate niKuya pagkatapos siyang piliin ni taongbayan imbis na si Geraldine.

Ayonsa mister ni Yen, ito na ang pinakamatagal na paghihiwalay nilang mag-asawapati na rin ng kanilang dalawang anak.

Bagolumabas si Yen, niyakap niya ang mga natirang housemates at naiyak si Bodiehabang nagpapaalam sa kanya.

Nagbigayrin ng mensahe si Yen para sa mga kababaihan: "Bea, the believer of the malespecies, continue believing in them. There are still nice guys out there.Wendy, too bad I’ve been only here for a week. Remember the Ten Commandments oflove and isapuso mo."

Si Gee-Ann Abrahanay nakakuha ng 40.18% ng mga boto; si Saicy Aguila ay nakatanggap ng 30.52% ngmga boto at si Robert Woods III ay nakakuha ng 24.71%.

7th SET OF NOMINEES. NoongLinggo, May 27, in-announce ni PBB host Toni Gonzaga na sina Kian Kazemi atMickey Perz ang dalawang housemates na nominadong mapalayas sa 7th Eviction ng Pinoy Big Brother Season 2 na magaganapngayong darating na Sabado.

Nakatanggap ng 7 points of nomination si Kian mula saibang mga housemates habang 8 points of nomination naman ang nakuha ni Mickey.

Kahit nominado ang dalawang kasamahan, hindi na nagawangitago pa ng mga babaeng housemates ang kanilang kasiyahan nang malamang pawangmga lalaki lamang ang nominado sa linggong ito.

Ito na ang ikatlong nomination niKian para ma-evict sa Bahay ni Kuya habang first time naman ni Mickey namapasama sa hanay ng mga nominado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN