Melai Cantiveros is overwhelmed by success of Kokey@Ako on its pilot week


Wenn Deramas (wearing white vest) directs Kokey@Ako stars (from left) Jason Francisco, Melai Cantiveros, Toni Gonzaga and Vhong Navarro in ABS-CBN’s newest primetime fantasy series.


Humataw sa ratings ang pambansang alien na si Kokey na napapanood muli sa pinakabagong ABS-CBN fantaserye na Kokey@Ako sa unang linggo pa lamang nito.

Base sa datos na inilabas ng Kantar Media, nagkamit ang pilot episode nito ng 28 percent sa nationwide TV ratings. Mas mataas ito kumpara sa kalabang bagong programa sa GMA-7, ang Bantatay, na ini-launch din sa parehong araw, na nag-rate ng 19.3 percent. Pumangatlo rin ang Kokey@Ako sa top 10 programs nationwide noong September 13 at nananatili itong nasa top three magpahanggang ngayon. Ang primetime serye na ito ay pinagbibidahan nina Toni Gonzaga, Vhong Navarro, Melai Cantiveros, at Jason Francisco sa ilalim ng direksiyon ni Wenn Deramas.

"Nagpapasalamat ako na naging mainit ang pagtanggap ng tao sa bagong proyekto namin ni Vhong kasama sina Melai at Jason. Kumbaga, bata pa lang yung mga characters sa kuwento pero maganda na ang feedback," sabi ni Toni. "Mas lalo pa nila dapat paka-abangan yung present story namin kasi dun pa lang magsisimula yung mahabang adventures namin with Kokey."

Maging ang real-life sweethearts na si Jason at Melai ay nag-uumapaw sa tuwa sa matagumpay na pilot week ng kanilang unang primetime soap sa Kapamilya Network.

"I’m so very happy na pinapalabas na ang Kokey@Ako. Marami ang nakapagsabi sa akin na over over sa ganda ang character ni Josa. Kung na-enjoy nila si Josa nung bata, abangan nila ang pagdadalaga niya dahil mas marami pa siyang mga drama at hindi sinasadyang komedya sa buhay," sabi ni Melai.

Malamit nang makita ng mga manonood ang paglaki ng mga karakter nina Bruce (Vhong), Jackie (Toni), at Josa (Melai). Muli nga kayang magkakaharap sina Jackie at Kokey? Mahanap na kaya ng dalaga ang kanyang mga magulang? Natuloy nga kaya ang childhood romance nina Jackie at Bruce at nagkatuluyan nga ba sila sa kanilang paglaki?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahat ng iyan matutunghayan sa Kokey@Ako, bago ang TV Patrol World sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN