Ana Capri portrays deaf-mute mother of Aaron Junatas’s character in MMK


Ana Capri (right) is cast as a deaf-mute mother of Aaron Junatas’s character in the October 2 episode of Maalaala Mo Kaya.


Paano kung di mo naririnig, pero nararamdaman, ang pagmamahal? Ito ang madramang kalagayan ng batang tinatawag na "Mojacko." Panoorin ang child actor na si Aaron Junatas ngayong Sabado, October 2, sa Maalaala Mo Kaya, kasama ang veteran actress na si Ana Capri bilang nanay na bingiā€™t pipi.

Patuloy pa rin ang pakikipagsapalaran sa kahirapan ng ating mga kababayan, at ngayong Sabado, makikita ito ng mga manonood mula sa punto de bista ng isang bata. Ipakikita ng drama anthology show ng ABS-CBN ang mga kaganapang babalot at magbabago sa kanyang buhay, sa piling ng inang may kapansanan. Hindi man tama sa paningin ng iba ang kinasanayang kabuhayan ng kanyang ina, wala itong kaso sa kanyang anak, at patuloy siyang mamahalin at kakalingain nito.

Mapapanood ang Maalaala Mo Kaya sa ABS-CBN tuwing Sabado sa ganap na 8:15 p.m.


Director: Lino Cayetano
Writer: Benson Logronio
Researcher: Alex Martin
Airing Date: October 2, 2010


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN