Shaina Magdayao’s Alyna is one of the most watched programs nationwide, based on Kantar Media data


(From left) Sid Lucero, Kaye Abad, Shaina Magdayao and Jason Abalos topbill ABS-CBN’s afternoon series Precious Hearts Romances presents Alyna.


Ayon sa corporate communications department ng ABS-CBN, humahataw sa ratings ang afternoon program na Precious Hearts Romances presents Alyna. Batay sa data ng Kantar Media mula sa mga nationwide households, nakakuha ng rating na 15.1 ang Alyna sa pilot episode nito noong September 22, 2010. Ang kalaban nito sa GMA-7, ang Basahang Ginto, ay nagtamo naman ng 13 percent. Simula nang maipalabas ang Alyna, nakakasama ito sa Top 5 most-watched programs nationwide sa mga palabas sa daytime.


Heto ang mga ratings na nakuha ng Alyna sa nakaraang mga araw: September 29, 14.6 percent; September 27, 13.2 percent; September 24, 12.9 percent; September 23 13.6 percent; September 22, 14.4 percent; at September 21, 14 percent.


Maliban sa cast at crew ng Alyna, nagpapasalamat si Shaina Magdayao sa mga fans na patuloy na sumusuporta sa programa na pinagbibidahan rin nina Sid Lucero, Jason Abalos at Kaye Abad. "Sobrang happy ako sa magandang pagtanggap ng mga viewers sa Alyna. Sisiguraduhin po namin na hindi sila mabibigo sa mga susunod pang episodes dahil patuloy pa naming pagagandahin ang istorya."


Sobrang saya ng young actress sa mga nangyayari sa kanyang career kaya naman mas lalo pa siyang inspired na pagbutihin ang kanyang trabaho. "Kahit pagod at puyat sa taping, nawawala lahat lalo na’t nakakatanggap ako ng mga appreciation from the viewers. They call me Alyna, hindi na Shaina. Talagang nakakatuwa."


Mapapanood ang Alyna sa ABS-CBN araw-araw tuwing alas tres ng hapon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN