The Hitmakers are introduced as new hosts of Pilipinas Win na Win!


The Hitmakers, composed of (from left) Marco Sison, Nonoy Zuñiga, Rico J Puno and Rey Valera, have started hosting ABS-CBN’s noontime show Pilipinas Win na Win!


Pinakilala na ngayong hapon, October 4, ang OPM "Hitmakers" na sina Rico J. Puno, Rey Valera, Marco Sison at Nonoy Zuñiga bilang mga bagong hosts ng Pilipinas Win na Win!


Kahapon, October 3, sa programang The Buzz, bibong-bibo ang apat na humarap sa "Straight from the Heart" portion ni Charlene Gonzales. Sa naturang segment, isang liham ang natanggap ng mga Hitmakers mula sa kanilang magiging co-host na si Pokwang.


"Huwag naman kayong sabay-sabay na ma-iinlove sa akin," pabirong banat ni Pokey (palayaw ni Pokwang). Nakakatawang niregaluhan din ni Pokwang ang mga Hitmakers ng isang liniment o pamahid sa katawan na karaniwang ginagamit ng matatanda.


Matatandaang nagkaroon ng rapport sina Pokwang at Rico J. nang mag-guest ang OPM legend sa noontime show na kinabibilangan ng komedyana.


Tuwang-tuwa naman ang mga Hitmakers dahil makakabigay sila ng saya sa mga Pilipino araw-araw sa pamamagitan ng noontime show ng Kapamilya network. Matatandaan na inalis si Kris Aquino mula sa programa pero nanatili pa rin sa PWW sina Pokwang at Valerie Concepcion. Ayon sa corporate communications department ng ABS-CBN, ito ay dahil "nagdesisyon ang management na subukan ang isang bagong kumbinasyon ng mga host sa programa." (CLICK HERE to read related article)


Dalawang babaeng co-hosts ang ipakikilala na siyang makakasama na rin tuwing hapon.


Isa diyan si Janelle Jamer na nagbabalik-telebisyon at noontime show hosting. "Excited na ako kasi na-miss ko ito! Siguradong magiging masaya tayo tuwing hapon!" Isang magaling din na singer si Janelle kaya inaasahang maganda ang pakikipag-jamming nito sa Hitmakers.


At ang pangalawa namang bagong host na babae na ipinakilala sa noontime show ng ABS-CBN ay ang "speed talker" na si Gee Canlas.


Napapanood na ang Pilipinas Win na Win! Lunes hanggang Sabado, 12:30 pm, pagkatapos ng Showtime na ume-ere na simula 10:30 am sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN