Lauren Dyogi defends "Pinoy Big Brother" Season 2


Pinoy Big Brother’s Business Unit Head Lauren Dyogi answers the criticism of film director Joey Reyes about the reality show.


Sinagot ni Lauren Dyogi, Pinoy Big Brother Business Unit Head, ang mga issue na nakasaad sa artikulong isinulat ni Joey Reyes sa inilathala sa isang broadsheet kamakailan. Isinaad ng premyadong director sa kanyang sulat na: "Enough of this kabobohan on national TV, and resorting to these things, para lang kumita ng pera!"

Sa isang ekslusibong panayam noong May 25, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Direk Lauren, isa sa pangunahing opisyal na in-charge sa produksiyon ng Pinoy Big Brother.

Sa loob mismo ng bahay ni Kuya ay sinagot ni Direk Lauren ang mga puntong binanggit ni Direk Joey, na kinilalang Movie Director of the Year para sa kanyang pelikulang Kasal, Kasali, Kasalo sa 23rd Star Awards for Movies na ginanap noong nakaraang Marso.

Ayon sa PBB Business Unit Head, bago pa man lumabas ang kontrobersiyal na artikulo ay ipinaalam ni Direk Joey sa ABS-CBN na may lalabas itong artikulo na naglalaman ng mga negatibong komento.

HOSTEL NI KUYA. Sa artikulo ni Direk Joey, may isang linya doon where he asked: "Has that cute yellow house turned into Ang Hostel ni Kuya?"

Perhaps dahil na rin sa mga nabubuong romansa sa pagitan ng mga housemates sa loob ng Bahay ni Kuya tulad ng namagitan kina Nene Tamayo at Bob dela Cruz, Say Alonzo at JB Magsaysay noong first season. May nabuong magandang pagtitinginan rin kina Kim Chiu at Gerald Anderson sa Teen Edition. At sa Celebrity Edition naman, may attraction sa pagitan nina Bianca Gonzalez at Zanjoe Marudo. At ngayon, sa PBB Season 2 ay very vocal na nagsasabi ng mga nararamdaman sina Bruce Quebral at Wendy Valdez.

"Being outsiders, I think it’s easy for us to be judgmental of the behavior of the people inside the house. Na dapat hindi kayo ganyan o hindi kayo ganito. But I know for a fact na iba ’yong experience ‘pag nakakulong kayong magkakasama araw-araw, 24/7. It’s almost impossible na hindi magkaroon ng bond or makapag-establish ng relationship.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Whether it’s friendship or magkagustuhan. Imposible talaga hindi, lalo na siguro if you’re very vulnerable. Like si Wendy, nagkaroon siya ng problema sa boyfriend niya bago siya pumasok sa bahay. Tapos si Bruce, e, nagpakita ng espesyal na atensiyon. So hindi mo naman masisi ’yong tao. Maganda naman talaga si Wendy, so puwede naman magustuhan ni Bruce.

"Love and romance, they play as important ingredients [sa show]. Pardon me for saying this, pero it’s an element na hindi talaga natin maiiwasan na mangyayari, e. Hindi talaga maiiwasan ang romance inside the house kasi talagang mangyayari ng mangyayari ’yan."

But Direk Lauren insists that PBB never had the intention to pair one particular housemate with another housemate.

"Hindi naman namin malalaman kung sinong magkakagustuhan. Okey kung may magkagustuhan. [Pero] kung walang magkagustuhan, ‘di rin naman ’yon kasalanan, di ba?"

CRAMPED CAR TASK. Isa sa mga kritisismo ni Direk Joey sa Season 2 ng PPB ay ang tinatawag niyang kabulastugan sa loob ng bahay. Referring to things na either kusang ginagawa ng mga housemates or ang mga tasks na ipinagagawa ni Kuya.

Isa sa mga ipinagawa ni Big Brother ay pinapasok niya sa loob ng maliit na kotse ang lahat ng housemates at pinag-stay doon sa loob ng ilang oras. May mga nag-leak na report na diumano ay nawalan ng malay ang ilan sa mga housemates at and iba pa ay nangailangan ng medical attention. Isinugod daw sa ospital ang mga housemates, pero hindi ito ipinakita sa ere.

Ayon kay Direk Lauren, hindi totoong may nahimatay o kinailangan ng medical attention sa sinuman sa mga housemates. They always take precautionary measures daw sa anumang tasks na ipinagagawa sa housemates.

"The moment na may maramdaman ang sinuman, pinatitingnan agad sa doctor. Sa task situation na ’yon involving the car kung saan nasa loob silang lahat, dapat ay may doctor na pupunta sa PBB house, pero hindi agad nakaalis ng Capitol Medical ‘yong doctor, so we decided na dalhin na lang ang housemates doon sa ospital to make sure walang dinaramdam ang sinuman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"That same night, bumalik na uli sila agad sa bahay. Ipinakita ’yon sa 24/7 streaming."

PRIMETIME VERSUS STREAMING. Pero bakit hindi ito ipinakita sa primetime?

"Kasi when we choose items, siyempre, meron kaming time constraints. When we edit, hindi naman lahat maipapalabas. Twenty-four hours ang materials namin. And I only have 28 minutes of new footage to air. How can I even compress, ‘di ba?

"Siyempre, pag nag-edit na kami, mapipili lang namin ’yong mas importante and interesting to majority of the people watching.

"Sa primetime, konti lang ’yong panahon. Minsan even sa pagpili namin ng items, what we feel sometimes na important will not necessarily be the same choices for 24/7 viewers. Lalo na ’yong mga people na rooting for a particular housemate. For example, you are a Gee-Ann fan, konting masaring lang si Gee-Ann, feeling mo inaagrabyado na ‘yong big winner mo.

"Siyempre kami, we look at it in its entirety. Ang hirap i-please ng lahat ng tao. So when we decide in selecting items, we pick out ’yong we feel interesting for a general audience.

"We realized, ang Pinoy viewers natin, kailangan gabayan mo sila para naiintindihan nila ’yong kuwentong sinusundan nila. For instance, ang nadesisyunan ngayon ay kuwento ni Nel. Kailangan sa umaga pa lang, sinusundan na natin. Hindi pwede ’yong nagising siya na ganito lang, tapos ayan na ang nangyari sa kanya at the end of the the day. Kailangan may follow through.

"Technically talaga ang viewers kailangan may kumpletong kuwentong napapanood. We realized ‘pag masyado siyang fragmented ’yong episode, parang it’s an episode that you can miss out on.

"Baka sabihin nila, ‘Hindi ako manonood today, bukas na lang ako manonood.’ That’s why, minsan binibitin namin ‘yong kwento para bukas merong aabangan ang viewers."

TOILET HUMOR. To some people, ang ibang tasks na ipinagagawa ni Kuya sa mga housemates may seem ridiculous or puro kabalbalan. Pero ayon nga kay Direk Lauren, there is no way they please all viewers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tulad na lang ng penalty na ipinataw kina Bruce, Nel, Saicy at Beatrice kung saan they were not allowed to use the comfort room inside the house. Kinailangan nilang gamitin ang arinola sa makeshift banyo na natatakpan lamang ng tela.

Some people were grossed out that the four housemates have to answer the call of nature using the arinola on national television.

"Iba’t iba ang sensibility ng mga tao," ani Lauren. "If you think about it, using arinola is part of our culture. Kasi ang mga matatanda dati, mas common sa kanila ’yong may arinola sila sa tabi ng kama nila at dun sila [umiihi at dumudumi].

"So, how can you say that part of our culture is unacceptable? To some people right now, maybe it’s not acceptable because it’s not the modern way of doing it. But we cannot deny that it’s part of our culture. Alin ba ang mas kabalbalan o kabastusan, ang umihi ka sa arinola o ang umihi ka sa garden?

"Which is more private? Iihi sa garden na ang lahat ng housemates nasa likod mo. Tumalikod lang, basain lang ang suot, tapos umihi na. Okey ba ’yon? Acceptable ba ’yon? Or mas acceptable ’yong gumamit ng arinola?"

Ayon sa PBB Business Head na si Direk Lauren, may natutunan namang leksiyon ang mga housemates dahil sa arinola task na ito. "I think, Nel was able to voice it noong sinabi niya na, ‘Hindi na po ako iihi kahit sa pader, kahit saang public place.’ It worked for us because the housemates learned something out of it. So, okey na sa amin ’yon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN