Vhong Navarro’s character proposes to Toni Gonzaga in Kokey@Ako


Bruce (Vhong Navarro) has already proposed to Jackie (Toni Gonzaga) in Kokey@Ako.


Patuloy pa rin sa pamamayagpag ang primetime comedy for the entire family na Kokey@Ako at isa sa top rating programs sa bansa tuwing weekdays, ayon sa Kantar Media.


Simula ng inilunsad ito noong September 20, hindi na nawala sa top four programs nationwide ang Kokey@Ako, batay sa data ng Kantar Media. Napabilang din ito sa Top 10 overall programs para sa buwan ng Setyembre sa average rating na 25.9% na lamang na lamang kumpara sa kalabang progama na may 18.1%.


Nagpapasalamat ang buong cast ng naturang fantaserye comedy with a heart sa mainit na pagsuporta ng sambayanan lalo na sa pagtangkilik nila sa unang dalawang linggo ng programa.


"Hindi pa man kami lumalaki sa istorya ay talagang tinangkilik na ng mga Kapamilya ang Kokey@Ako kaya sobra ang pasasalamat namin sa kanila. Alam naman natin ang labanan sa primetime. Talagang pagandahan kaya nakakataba ng puso na ganun ang pagtanggap nila," sabi ni Vhong Navarro.


Ang mainit na pagtanggap ay sa kabila ng kontrobersya ng mga bida na sina Toni Gonzaga, Melai Cantiveros, at Jason Francisco pero ayon kay Vhong, tila di naman apektado ang kanyang co-stars sa intrigang pinupukol sa kanila.


"Kahit may lumalabas na intriga sa kanila, pagdating naman sa trabaho ay parang wala silang pinagdaraanang problema. Very professional silang tatlo," paliwanag ni Vhong. "Bilang kuya rin ay nagbibigay na lang din ako ng advise lalo na sa Melason na bago sa industriya na ito, na medyo umalalay sa pagsagot nila sa intriga kasi baka mamisinterpret sila ng mga tao."


Ngayong linggo, nakapasok na nga sina Jackie at Josa sa pinagtatrabahuhang network ni Bruce. Matandaan na kaya ni Jackie ang kanyang lola Barbra na may-ari ng network? Matupad na kaya ang matagal ng pangarap ni Jackie na matagpuan ang kanyang pamilya?


Nakumbinsi na rin ni Bruce si Jackie na magpakasal sa kanya ngunit isang pangitain ang darating kay Jackie nang matusok niya ang sarili ng karayom habang tinatahi ang kanyang damit pangkasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Kung ang karakter ni Vhong na si Bruce ay nag-propose na, mag-propose na rin kaya si Vhong sa kanyang non-showbiz girlfriend?


"Sa ngayon kakatatapos lng ng annulment ko so iwas muna. Pero seriously, I think hindi pa napapanahon para sa isang proposal," ani Vhong.


Mapapanood ang Kokey@Ako, bago ang TV Patrol World sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN