Shining Star John Uy believes he will win in Star Factor


"Natural na isasagot ko na ako. Because before you believe in somebody else, better believe in yourself first. If you don’t believe in yourself, then nobody will," says John Uy on who he thinks will win in Star Factor .


Ramdam na ramdam ng entertainment press na dumalo sa launch ng 12 Shining Stars ng Star Factor ng TV5 sa Hard Rock Café in Makati City last October 4 ang pagiging over-confident ng 17-year-old chinito na si John Uy.

Nasa 4th year high school na si John sa Xavier School in Greenhills at bukod sa pagiging honor student ay very active daw siya sa extra-curricular activities. Nakapag-acting workshop na raw kasi noon sa ABS-CBN noong nasa grade six pa lang siya kaya raw na-build up ang kanyang pagiging confident sa harap ng maraming tao.

"I guess this is just my personality. I love being around people. I’m very outgoing. Madaldal talaga po ako kahit noon pa," paliwanag ni John.

"Sometimes, they mistake my being confident sa pagiging mayabang. Hindi po gano’n. They can ask the people of Star Factor kung ano talaga ang personality ko. Very friendly po ako. I want to be close to the people I am working with."

Inamin ni John na may ibang mga kaedad niya na nakakaramdam ng intimidation kapag nakakasama siya. Pero gumagawa ng paraan si John para mawala ang gano’ng negative na pakiramdam sa kanya.

"Like what I said nga po, I’m a very friendly person. Kapag may nararamdaman ako na may nai-intimidate sa akin, kinakaibigan ko siya. I want him or her to feel na mali ang impression niya sa akin. We can all be good friends, ’di ba?

"So through my personality nga, I win their trust and I become their friend. It’s better to gain friends than enemies."

Dahil nga sa personality na yan ni John ay nag-i-standout siya among the group. Wala ngang pinalagpas na tanong si John mula sa entertainment press at marami naman ang na-impress sa kanyang mga sagot.

"May nagsabi nga po sa akin na nagsisimula pa lang ako, showbiz na showbiz na ako. Natawa lang po ako kasi may mga ganyan na silang nasasabi about me," ngiti pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman po siguro showbiz ang pagiging vocal ko or pagiging articulate ko. I am simply answering their questions in the best way I can. Kasi nga sinabi sa amin ng mga judges, sa papasukin naming mundo ng showbiz, marami kaming mae-encounter na mga tao who will always find something wrong with us.

"We cannot please everybody raw. Even though we try so hard to be like this and that, makakahanap pa rin sila ng mali sa amin. So we just try to absorb that and be strong about it.


"Kaya doon sa sinabi nilang showbiz na showbiz na raw ako, okey lang po kasi showbiz naman itong papasukin ko, eh. At least, marunong na raw akong sumagot. I took it in a positive light na lang."

Made-describe nga ni John ang sarili niya as a well-rounded performer. He can sing, dance and host. Hindi nga raw siya natatakot na mapintasan siya dahil alam niyang makakatulong iyon sa pag-improve ng kanyang mga talents.

"I’m open to criticisms. Wala naman pong masama roon. I like it best kapag may napapansin silang mali sa mga ginagawa ko. It means that they want me to improve on it or do something else. I just think na concern sila sa mga ginagawa ko.

"Nabanggit ko nga sa iba that being a performer is a passion for me. I want people to see what I can do and magustuhan nila. Alam ko na maraming mas magaling sa akin and that will serve as a challenge for me."

Sa mga sagot nga ni John, obvious na gusto niyang manalo sa Star Factor. Hindi naman tinatanggi ni John that he has what it takes to be the next big talent ng Kapatid network.

"Actually, everybody in the group deserves to win. Lahat kami, we have different things to offer and it all depends on the final judgment. But if you ask me who deserves to win? Natural na isasagot ko na ako. Because before you believe in somebody else, better believe in yourself first. If you don’t believe in yourself, then nobody will," pagtatapos pa ni John Uy. (CLICK HERE to read more about the ther Shining Stars of Star Factor)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Mapapanood ang Star Factor tuwing Linggo sa ganap na 5:30 ng hapon pagkatapos ng Aksyon Linggo sa TV5.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN