Aga Muhlach find wife’s similarities with M3 love interest Megan Young


"Megan is nice. Gustung-gusto ko siya. Tuwang-tuwa ako sa kanya. Ganun din, wala siyang kaarte-arte. Parang si Charlene. Cool lang," Aga Muhlach says of his M3 (Malay Mo Ma-develop) co-star and love interest Megan Young. The award-winning actor finds his wife Charlene Gonzalez’s similarities with Megan.


Inilahad kamakailan ni Aga Muhlach ang kanyang na pagkatuwa sa kanyang M3 (Malay Mo Ma-develop) leading lady na si Megan Young.

Lubos ang paghanga ng aktor sa batang aktres na ayon sa kanya ay very talented. Kumpisal pa ni Aga na personal choice niya si Megan na balitang ginu-groom din na maging beauty queen. Alam ng lahat na ang asawa ni Aga na si Charlene Gonzalez ay ang itinanghal na Bb. Pilipinas Universe 1994 at pinalad na maging 4th Runner-up sa prestihiyosong Miss Universe pageant.

"Megan is nice. Gustung-gusto ko siya. Tuwang-tuwa ako sa kanya. Ganun din, wala siyang kaarte-arte. Parang si Charlene. Cool lang," sabi ni Aga tungkol sa Fil-Am na dalaga.

Samantala, ipinahayag din ni Megan na sa kasalukuyan ay abalang-abala siyang pinagsasabay ang kanyang pag-aaral, acting career at makulay na love life. Kaya’t malabo pang siya’y makalahok sa mga beauty pageants tulad ng Bb. Pilipinas, kahit na marami pa ang humihikayat sa kanya.

"It’s not part of my priorities right now. But I appreciate people that have been telling me na pwede ako, na parang capable ako for that sort of thing. Sa ngayon naka-focus ako sa work and studies. I just feel na it will be an interference kung sasali ako. Kung puno na yung schedule ko, paano yun? Siyempre kung sasali ka dun kailangan tutok na tutok ka dun. Maybe, pwede akong sumali after I graduate or kapag mas less na yung load ko," ani Megan.

Sa darating na Sabado, sa M3, handang-handa na si JM (Aga) na dalhin si Bea (Megan) sa Fontana upang mag-propose. Dahil in love itong si Megs (Nina Jose) kay JM, gagawin niya ang lahat para pigilan ito.

Tuluyan na kayang mahulog si JM sa patibong ng pagka-desperada ni Megs? Ano na namang kaya ang kayang gawin ni Kringkring (Ai Ai delas Alas) upang mapigilan ang kasamaan laban kay JM?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama rin sina Jojo Alejar at Jairus Aquino, ang M3 ay sa ilalim ng direksyon ni Direk Jeffrey Jeturian at Direk Frasco Mortiz.



Napapanood ang Malay Mo Ma-develop o M3, Primetime Sabado, 9:45 pm, pagkatapos ng Twist and Shout sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN