Real-life sweethearts Heart Evangelista and Daniel Matsunaga share their love story in Love ni Mister, Love ni Misis


In Love ni Mister, Love ni Misis, real-life sweethearts Heart Evangelista and Daniel Matsunaga will answer questions from hosts Carmina Villarroel and Zoren Legaspi about their relationship, while strapped to a lie detector machine.


Isang very special na umaga ng kiligan at bukingan ang dapat ninyong abangan ngayong Martes, October 12, sa Love ni Mister, Love ni Misis, dahil ang nakakakilig na real-life pagmamahalan nina Heart Evangelista at Daniel Matsunaga ang magpapatamis ng ating mga umaga.

Kakaibang level ng bukingan ang magaganap dahil bawat nakakaintrigang katanungang inihanda nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel, sasagutin nina Heart at Daniel under the lie detector test.

Nagseselos nga ba sila kapag may ibang pumoporma sa isa’t isa? Sa tingin ba nila sila na ang nakatakdang magsama habambuhay? Ilan lang yan sa mga tanong na sasagutin nila nang buong katotohanan sa naiibang interogasyon nila.

Tutukan din ang pagbida ng masuwerteng mister and misis of the day na kasing-kilig ng love story nina Heart at Daniel ang kuwento.

Plus abangan ang muling pagbisita ni Zoren sa isa na namang carinderia para magturo ng isang very special recipe na lalong magpapasarap sa menu nito sa "Cooking Mo, Itu-Turo-Turo Ko!"

Kaya tumutok na, dahil isa na namang masayang umaga ang pupunuin ngayong Tuesday morning kasama sina Zoren at Carmina sa Love ni Mister, Love ni Misis sa GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN