Gelli de Belen returns to drama on June 4


After doing a talk show and a gag show for so long, Gelli de Belen returns to heavy drama via Impostora, GMA-7’s new primetime drama series.



Very blooming pa rin at halos hindi nagbago ang kaseksihan ni Gelli de Belen nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng Impostora, ang latest teleserye na mapapanood sa GMA-7.

"Happy Birthday!" ang bati ng PEP kay Gelli dahil nag-celebrate siya ng kanyang 34th birthday last May 25.

"Thank you, pero hindi na kasi ako nagse-celebrate ng birthday. The usual na kainan, bonding with family members, at siyempre pa, kay Papa [Ariel Rivera]," ang masayang tugon ni Gelli.

Napakatagal ding panahon na hindi nagkaroon ng drama series ang nakababatang kapatid ni Janice de Belen dahil natali na siya bilang isa sa hosts ng morning show na SIS, also on GMA-7.

Hindi raw talaga kasi matanggihan ni Gelli ng alok ng Kapuso Network na magdrama naman this time via Impostora. Sinabi niyang mahirap tanggihan ang role ng isang ina na nagkaroon ng kambal na anak and eventually ay napaghiwalay.

"Nakaka-miss din ang mga ganitong proyekto," pag-amin ni Gelli. "Kinonsulta ko rin siyempre ang asawa ko at mga anak namin kung gusto ba nila akong mapanood sa ganoong role. Siyempre pa, very happy sila at supportive sila sa akin."

Malaking factor din na si Maryo J. de los Reyes ang direktor ng Impostora. Bukod sa napakalaki ng tiwala dito ni Gelli, si direk Maryo J. rin ang nakakapagpiga ng husay ni Gelli sa drama. Sa pelikulang The Secrets of Sarah Jane Salazar, na idinirek ni Maryo J., nakuha ni Gelli ang kanyang Urian best actress trophy noong 1995.

"Korek, siya lang talaga ang direktor na nagagawa akong aktres na aktres!" ang natatawang sabi ni Gelli.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN