Alyna star Shaina Magdayao shoots steamy scenes with Jason Abalos


Rex (Sid Lucero, not in photo) returns to Rancho Del Carmen to fight for Alyna and their child. Will Alyna (Shaina Magdayao) accept him or will she choose Dominic (Jason Abalos)?


Sa Precious Hearts Romances Presents Alyna, makikita ng mga manonood na magkukurus na ang landas ng apat na bida ng programa. Magbabalik na si Rex (Sid Lucero) upang ipaglaban si Alyna at ang anak nila sa kapatid niyang si Dominic (Jason Abalos). Si Lilet (Kaye Abad) naman ay susundan ang asawa upang itago ang tunay na estado ng kanilang relasyon sa kaniyang ama.


Ipapakita na rin ang paghaharap at pagtatagisan ng dalawang premyadong aktor na si Jason at si Sid, na nominado ngayon sa kategoryang Best Actor sa 2010 International Emmys. (CLICK HERE to read related article)


Nang tanungin si Shaina kung nagawa na niyang ipaglaban ang mahal niya o kung naipaglaban na siya noon tulad ni Rex, inamin niyang napagdaanan na niya pareho.


"Ako basta nasa tama, hindi ako takot ipaglaban ang taong mahal ko. Basta wala akong taong tinatapakan, ipaglalaban ko ’yun," sabi ng aktres na binansagan ng Kapamilya Network bilang "Princess of Hearts."


Dagdag pa niya, hindi lang isa kundi marami pa ang ipinaglaban siya noong panahon na lamn siya ng maruruming tsismis.


"Sa mga nangyari sa akin these past few months, aminin natin na sinubok talaga ako ng buhay. Hindi lang isang tao ang nagtanggol sa ’kin kaya I feel really blessed and thankful na may mga ganung tao sa paligid ko," aniya.


Iba naman ang estado ni Jason, na nagsabing may pag-ibig siyang nilalabanan ngayon.


"Ang sarap lang kasi magmahal kung alam mong tamang tao ang minamahal mo. Kahit lalaki ako, naniniwala ako sa fairytales. Kinikilig-kilig din ako," pagtatapat niya.


Nang tanungin kung ang nail-link sa kaniyang si Kim Chiu ang tinutukoy niya, sinabi ng aktor na magkaibigan lang daw sila.


"Lahat ng labas namin, isang grupo kami. Hindi pa kami lumalabas nang kaming dalawa lang," paglilinaw niya.


Huwag bibitaw sa mas nakakahalinang Precious Hearts Romances Presents Alyna ngayong linggo mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Rosalka sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN