Endless Love ends tonight on GMA-7


Jenny (Marian Rivera) marries Johnny (Dingdong Dantes) in the final episode of GMA-7’s local adaptation of the Korean drama hit Endless Love. (CLICK HERE to view photos taken during the finale episode)


Magpapaalam na ngayong Biyernes ng gabi ang top-rating Pinoy remake na Koreanovela series na Endless Love.

Masayang-masaya sina Johnny (Dingdong Dantes) at Jenny (Marian Rivera) sa kanilang pag-iisang dibdib. Sa sandaling panahon ng kanilang pagsasama, mapaparamdam nila sa isa’t isa ang kanilang walang hanggang pagmamahal. Mapapaaga ang Christmas at New Year celebration dahil aayusin ni Johnny ang bahay at lalagyan ng mga dekorasyon para lalong mapasaya si Jenny.

Malaki ang pasasalamat ni Jenny sa panahon at pagkakataong makasama si Johnny at ang kanilang pamilya. Patuloy bang lalabanan ni Jenny ang sakit na leukemia o tatanggapin na niya ang sasapiting kapalaran? Kaya bang pigilan ng pagmamahalan ang nakaambang kamatayan?

Tunghayan ang mga huli ngunit maiigting na sandali na siguradong iiyakan ng mga manonood ngayong gabi sa Endless Love pagkatapos ng Ilumina sa GMA Telebabad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN