JC de Vera feels he became a well-rounded artist when he transferred to TV5


"For me, iba siya sa mga nagawa ko...nag-loosen-up na ’ko rito. Parang malaki ang naitulong ng PO5 at saka Lokomoko para sa character na ginawa ko rito. So, very lose na siya, e. Hindi na ako yung typical na drama actor na very stiff ang katawan. "Very spontaneous kasi ang palabas na ito. So, light comedy lang siya. Hindi namin pinipilit na mag-comedy, pero, yung situation talaga, mga eksena, may konting na


Finally, may primetime series na rin ang TV5 kunsaan, sinimulan nila ito sa pamamagitan ng isang "kilig-serye" na pinagbibidahan ng maituturing na Prince of Kapatid network na si JC de Vera, ang My Driver Sweet Lover.


Ayon kay JC na siyang bida ng show, "Masaya...masaya ’ko. At habang tumatagal, nae-enjoy ko ang ginagawa ko rito sa TV5. So, ano, para simple lang ang gusto kong sabihin, I need cash...’yun lang talaga, e."

Biro namin sa kanya, marami na siyang cash sa rami ng shows niya sa TV5.

Nakagawa na siya ng maraming teleserye sa pinanggalingang network, ang GMA-7. So, paano niya mako-compare ang bagong series ngayon?

"For me, iba siya sa mga nagawa ko...nag-loosen-up na ’ko rito. Parang malaki ang naitulong ng P.O.5 [Sunday variety show Party on 5] at saka Lokomoko para sa character na ginawa ko rito. So, very loose na siya, e. Hindi na ako yung typical na drama actor na very stiff ang katawan.

"Very spontaneous kasi ang palabas na ito. So, light comedy lang siya. Hindi namin pinipilit na mag-comedy, pero, yung situation talaga, mga eksena, may konting nakakatawa."

Gusto ba niya na comedy at hindi drama ang kauna-unahan niyang serye sa TV5?

"Refreshing lang...refreshing lang for me. Kasi, in the past, hard action, hard drama. So, ito, very refreshing lang sa akin. Napaka-special din. Sobrang refreshing din ng ginagawa mo, ’tapos, first primetime soap pa ng TV5 na biyaya sa akin."

Wala ba siyang nararamdaman na pressure since primetime ang show nila?

"Wala, walang pressure sa akin. Kasi, may tiwala ako sa mga katrabaho ko at may tiwala ako sa TV5. Magandang bagay siguro kung ma-pressure ako, di ba? Pero malaki ang maitutulong ng pressure na yun sa amin, e. Mas lalo kaming mag-e-enjoy habang nagti-taping. Mapapaganda namin ang ibang eksena and yun nga, ano pa rin, natututo pa rin ako hanggang ngayon. Willing pa rin akong matuto."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TV5 PRINCE. How does he feel na siya talaga ang lumalabas na Prince of TV5, ang leading man ng Kapatid Network?

"Mabait lang talaga si Lord sa akin. Wala namang ibang makakapagbigay no’n kung hindi siya, e. Itong mga nangyari, good-timing lang talaga."

So, super worth it ba talaga ang naging decision niyang mangibang-bakod?

"Super worth!" nakangiti nga niyang sabi. "At katulad ng sinabi ko noong bago mag-5 Star [Specials], ito naman talaga ang hinihingi ko. Ito ang ipinagdarasal ko na mangyari and ito, ibinibigay naman ni Lord sa akin. Araw-araw akong may work. Araw-araw kong ginagawa. ’Tapos, maganda ang palabas ngayon, yung ginagawa naming soap. Yung Lokomoko namin, nagpi-pick-up na.

"Yung P.O.5, sobrang excited ako, hindi na lang ako naghi-hiphop, nagsa-salsa na ’ko, nagbo-ballroom na ’ko. Nag-i-stage acting na ’ko. So, yung nade-develop nila ang pagiging well-rounded artist talaga sa akin."

Pero dagdag niya, "Siyempre, ang GMA naman ang gumawa sa akin. Ang nangyayari lang dito, yung opportunity to learn and improve, nakuha ng 5. So, sila ang nakapagbigay sa akin ng room for improvement talaga."

CLOSE TO DANITA. Silang dalawa ni Danita Paner ang magka-partner sa My Driver Sweet Lover. Tipong first major project ito ni Danita. So, how was it naman?

"Well, in fairness kay Dan, kung iku-compare ko sa lahat ng nakatrabaho ko, sa kanya ako pinaka-close. Ano kasi siya, e...sa lahat ng bagay na gusto ko, gusto niya rin. Nae-enjoy niya yung mga music, food, parang family-oriented.

"Actually, matagal ko na kasi siyang kasama, way back pa, 2003."

Hindi kaya Rhian Ramos part 2 sa buhay niya si Danita?

Natawa itong sumagot sa tanong nang, "Handa na ako sa tanong na yan, e. Basta ang gusto ko lang talaga, kapag nasa taping ako, sa kanya lang talaga ako kumportable. Gusto ko palagi na nasa tabi niya. Hindi ko alam kung gusto niya kong katabi."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong din niya, "Pero this time, nag-e-enjoy siya sa company ko. Nag-e-enjoy ako sa company niya."

Napapabalitang sila na naman in real-life at super P.D.A. (Public Display of Affection) raw sila sa P.O.5?

"Naku, hindi po...what’s nice po sa amin ni Dan, wala kaming pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Pero ang maganda kasi, nag-e-enjoy kaming dalawa sa work at yun nga, marami akong natutunan sa kanya at saka, bago lang din kasi siya, so, this time around, ako naman ang nag-aalalay sa ka-partner ko at hindi ako yung inaalalayan, di ba?

"Kaya ano rin, very refreshing din sa akin. Parang actor-teacher, tinutulungan ko rin kasi siya. Kasi siyempre, palabas namin ’to, kapag nang-iwan ako, parang ang sama ko naman."

OKAY WITH MO. Sila ni Mo Twister, another Kapatid star na very open sa pagsasabing nililigawan niya si Rhian. Kumusta naman sila?

"Si Mo, okay naman kami. At ever since naman, okay naman kami. Hindi pa kami nagkakausap."

Pero ayon kay JC, wala naman daw silang dapat pang pag-usapan ni Mo.

"Wala...wala...kailan ba yung last time na nagkita kami? Last time noong nag-guest ako sa Paparazzi, yun yung nagpa-plug pa ako ng 5-Star Special. Pero after that, never na, never na kaming nagkita ulit, e. So, yun...wala naman kaming dapat pag-usapan pa. At hindi naman kami friends, so, wala."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN