Barbie Forteza and Bea Binene’s characters become closer in Tween Hearts


.


Ngayong Linggo (October 17), mapapanood na ang ikaapat na episode ng Reel Love presents Tween Hearts.

Papayag si Bambi (Barbie Forteza) na paglapitin sina Belinda (Bea Binene) at Josh (Joshua Dionisio). Bilang kapalit, ipinangako ni Belinda na ituturing niyang tunay na kapatid si Bambi kapag naging magkaibigan sila ni Josh.

Naging close nga silang magkapatid simula nang maging friends sina Belinda at Joshua. Magiging masaya si Bambi sa relationship nilang mag-ate, pero malulungkot din dahil di man niya maamin sa sarili, magseselos din siya kina Belinda at Joshua. Patuloy din ang pag-usbong ng friendship nina Aya (Joyce Ching) at Chris (Kristoffer Martin).

Dahil dito, aaway-awayin lalo ni Leslie (Lexi Fernandez) si Aya, dahil ayaw niyang dumidikit ito sa ex-boyfriend niya. Lalait-laitin niya ang kaweirduhan ni Aya pero ipagtatanggol ni Chris si Aya. Masasabi pa ni Chris na nililigawan niya si Aya. May magbago kaya kina Aya at Chris pagkatapos nito?

Mapipilay si Rick (Derrek Monasterio) dahil sa ginawang pagtulak sa kanya ni Luisa (Louise delos Reyes). Dahil dito, gagawin niyang utusan si Luisa. Mapipilitan namang sumunod si Luisa sa bawat utos dahil kung hindi, isusumbong ni Rick kay Sir Boris (Gabby Eigenmann) ang ginawa niyang pagtulak. May pag-asa kayang magkasundo ang dalawang laging magkakumpetensiya?

Pakonti-konti, nakakalapit na rin si Jacob (Jake Vargas) kay Belinda kahit torpe siya. Ang kaso, sa tuwing magkausap sina Jacob at Belinda, iniisip ni Belinda na si Joshua ang may gusto sa kanya at hindi si Jacob. Masabi pa kaya ni Jacob ang totoong nasa loob niya?

Aaminin na sana ni Joshua kay Belinda na crush niya ang kapatid nito. Pero dahil assuming si Belinda, uunahan niya si Joshua. Sasabihin niyang gusto niya ito, thinking na siya rin naman ang tinutukoy na babae ni Joshua. Mawiwindang si Joshua dahil hindi naman niya gusto si Belinda. Ipagtatapat ba niya na si Bambi ang totoong gusto niya? Anong mangyayari sa magkapatid pag nagkataon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Huwag palalampasin ang Part 4 ng Reel Love presents Tween Hearts ngayong Linggo, October 17, pagkatapos ng Party Pilipinas sa GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN