Zanjoe Marudo believes Rayver Cruz will add spice to Martha Cecilia’s Kristine


Will the budding romance of Jewel (Cristine Reyes) and Jaime (Zanjoe Marudo) be threatened by the arrival of Lance (Rayver Cruz) in Martha Cecilia’s Kristine?


Nalalapit na ang pagpasok ni Rayver Cruz sa programang Martha Cecilia’s Kristine na pinagbibidahan nina Zanjoe Marudo, Rafael Rosell, Denise Laurel, at Cristine Reyes.


Hindi na rin makapaghintay na magbalik-primetime si Rayver, na siyang huling napanood sa primetime show na May Bukas Pa.


"Nung sinabi sa akin na kinukuha ako for Kristine, hindi naman ako nag-dalawang isip na tanggapin dahil maganda naman yung show," ani ng dating child actor.


Si Zanjoe naman ay hindi nagpakita ng kaba sa pagpasok ni Rayver.


"Yung pagpasok ni Rayver sa Kristine, e, malaking tulong sa programa kasi magkakaroon ng interesting at mas malalim na conflict yung loveteam namin ni AA [Cristine]," giit niya.



Ngayong linggo, pormal na ipapakilala ni Don Leon sina Jewel at Emerald bilang kaniyang mga apo. Ngunit kapalit ng kaniyang pagtanggap sa kanila ay ang paghihigpit din nito. Maapektuhan kaya ang pagtitinginan nina Jaime at Jewel ng parating ng bisita ni Don Leon?


Mapapanood ang Martha Cecilia’s Kristine pagkatapos ng iDOL sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN