Megan Young dreams of playing the role of a drug addict


"It’s funny but I wanna be a drug addict. Feeling ko it would be a challenge for me if yung character, may certain addiction. Kasi yun yung common na makikita natin. It’s really challenging to be attached to a thing with such a big intensity. That’s something you have to feel. I don’t know if I can, but it’s my dream role," says Malay Mo Ma-develop (M3) star Megan Young.


May ilan taon na rin ang nakalipas simula nang unang makilala sa showbiz si Megan Young. Mula noon, iba’t ibang roles na kanyang ginampanan sa TV o pelikula man. Ganumpaman, inilahad ni Megan na may mga roles pa na kanyang pinapangarap, ang hindi pa niya nakukuha.

"It’s funny but I wanna be a drug addict. Feeling ko it would be a challenge for me if yung character, may certain addiction. Kasi yun yung common na makikita natin. It’s really challenging to be attached to a thing with such a big intensity. That’s something you have to feel. I don’t know if I can, but it’s my dream role," ani Megan.

Likas na malikhain at passionate sa industriyang kanyang kinabibilangan, si Megan ay kasalukuyang kumukuha ng kursong Digital Filmmaking sa De La Salle-College of St. Benilde sa Maynila. Ayon sa aktres, maliban sa pagiging sentro ng maningning na limelight, nais pa niyang palawigin ang kanyang nalalaman sa paggawa ng mga pelikula’t palabas sa TV.

"It’s something I have always wanted since high school pa. Hindi man yung digital filmmaking, I’ve always wanted to be the person behind the camera. It just so happened na napunta ako sa harap ng camera. But it’s a good thing for me actually. At least, I know both sides of the story. I know how the people and the staff feel when they are working. If ever I’m gonna be behind the camera, I have this certain understanding of the people I’ll work with," sabi ni Megan.

Nang tanungin kung nais din niyang magdirek balang araw, mabilis ang kanyang naging sagot. "Hopefully, I will get there. But right now, I’m just focusing on learning more about my field. They always say you learn more through experience."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, sa M3 ngayong Sabado, magugunaw ang mundo ni Bea (Megan Young) matapos malaman ang tungkol sa mga sex photos and videos nina JM (Aga Muhlach) at Megs (Niña Jose). Ganumpanan, hindi titigil si JM na makuha ang kapatawaran ng babaeng minamahal. Tuluyan na kayang masira ang napipintong plano nina JM at Bea na magpakasal?

Kasama rin sina Jojo Alejar, Jairus Aquino, at Ms. Ai-Ai delas Alas ang M3 ay sa ilalim ng direksyon nina Jeffrey Jeturian at Frasco Mortiz.

Mapapanood ang Malay Mo Ma-develop (M3) sa Primetime Sabado, 9:45 pm, pagkatapos ng Twist and Shout sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN