ABS-CBN "Magandang Umaga Pilipinas" replaces celebrity hosts


Celebrity couple Julius Babao and Tintin Bersola-Babao are reportedly being kicked out from the ABS-CBN’s morning show, Magandang Umaga Pilipinas.


Magkakaroon na naman ng major reformatting ang morning show ng ABS-CBN na Magandang Umaga Pilipinas (MUP). Ito ang sinabi ng isang mapagkakatiwalaang source na konektado sa nasabing programa.

Ayon sa aming source ay papalitan na ang original hosts ng MUP na sina Julius Babao at Tintin Bersola-Babao at iba pa nilang mga kasama.

Balitang ang papalit bilang main host ay si Edu Manzano at makakasama rin daw niya sina Donita Rose, Rica Peralejo, Pokwang, at ang nababalitang girlfriend ngayon ni Edu na si Pinky Webb.



Sinabi rin ng aming source na hindi raw kaagad na-inform ang mag-asawang sina Julius at Tintin at ang mga kasama nila sa MUP regarding the major reformatting. Pagkatapos na lang daw ng kanilang show last Friday, June 1, nalaman na hindi na sila ang uupo sa morning show this coming Monday, June 4.



Sinubukan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na kunan ng reaksiyon ang mag-asawang Julius at Tintin, pero ayaw pa raw nilang mag-comment sa ngayon. Naiintindihan namin ang kanilang sagot dahil mahirap nga namang tanggapin na bigla ka na lang mawawala sa isang show na more than 10 years mo nang ginagawa.



Nagsimula sa Alas Singko Y Medya (ASYM) ang tambalang Julius at Tintin. Naging replacement si Tintin kay Panjee Gonzalez na siyang original na co-host ni Julius. Sa ASYM din nagsimula ang love story ng dalawa hanggang sa mauwi sa kasalan noong December 2003. Nabiyayaan sila ng baby girl, si Antonia, na ipinanganak ni Tintin noong February 2005.

Ayon pa rin sa aming source, ang rason daw ng management sa bagong re-format ay upang magkaroon ng youthful atmosphere ang show. Ang ipinagtataka ng aming source ay kung bakit sina Edu, Pokwang, at Pinky ang kinuha ng management bilang kapalit gayong hindi naman sila mga kabataan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN