Jennylyn Mercado and Mark Anthony Fernandez lead the cast of Little Star


GMA-7’s upcoming afternoon teleserye Little Star will be topbilled by (from left) Paolo Contis, Nicky Castro, Jennylyn Mercado, Mark Anthony Fernandez and Lovi Poe.


This Monday, October 25, ang pilot telecast ng pinakabagong drama series sa Haponalo ng GMA-7, ang Little Star. Featuring Mark Anthony Fernandez, Jennylyn Mercado, Paolo Contis, Lovi Poe and six-year-old Nicky Castro, sa direksyon ni Maryo J. delos Reyes. Mapapanood ito sa Kapuso network pagkatapos ng Yaman ni Lola.


Little Star
tells the fascinating story of a singing child star named Diego (Nicky Castro) and how he touches the lives of the people around him, including a famous female singer, her personal assistant, a photographer and an opportunist.


Magsisiumla ang kuwento nang sumakay sa barko sina Helen (Jennylyn Mercado) at ang kanyang kapatid na si Paula (Sarah Labhati). Gusto sana nilang dalawin ang kanilang tatay na si Gener (Allan Paule) na nagtatrabaho sa Manila.


Sa kasamaang palad, naaksidente ang kanilang barko at masasagip agad si Paula. Pero si Helen ay mananatili sa dagat kasama ang isang sanggol at si Dave (Mark Anthony Fernandez), isang photographer. Matatagpuan sila ng mga rescuers. Ang pangyayaring ito ay magiging daan upang magbago ang kani-kanilang buhay.


Sa launch cum presscon held at the executive lounge of GMA Network Center, ipinakilala ng cast ng Little Star ang characters nilang ginampanan.


Jennylyn Mercado is Helen Estrella, hindi nakatapos ng college dahil sa kahirapan pero she’s responsible, mabait, simple at maalaga. Ulila na sa ina, tumatayo siyang ina sa nakababatang kapatid na si Paula. Isasakripisyo ang kinabukasan para sa lalaking minamahal, lalo na sa kapakanan ng isang sanggol, magiging surrogate mother to Diego.


Mark Anthony Fernandez portrays Dave de Leon. Isa siyang kilalang photographer, guwapo, matalino, mabait at mapagmahal. Mailap siyang makipagrelasyon dahil minsan na siyang tinalikuran ng babaing minahal. Makaka-one night stand ni Gwyneth, siya ang magiging ama ng anak ni Gwyneth.


Sikat na singer at commercial model si Gwyneth (Lovi Poe). Wholesome ang image pero off-camera, may pagka-wild, antipatika at mapagmataas. Sakal na sakal at sunud-sunuran sa ina, pero nagrerebelde rin. Magbubuntis, magkakaanak pero hindi magiging ina, ibibigay ang anak kay Helen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Si Paolo Contis ay si Lester Lumibao, kasamahan ng ama ni Helen sa trabaho, mukhang mabait pero nasa loob ang kulo, oportunista at mukhang pera, manggagamit at magpapagamit kay Gwyneth.


Rich Asuncion
plays Bianca Valerio, mayaman na dating kaibigan ni Gwyneth. Hindi ipinahahalatang inggit siya kay Gwyneth. Siya ang runaway bride ni Dave. Nagsisisi sa pagpatol sa ibang lalaki, obsessive at handang gawin ang lahat mabawi lamang muli si Dave.


First soap ni Sarah Labhati ang Little Star. Siya si Paula, ang nakababatang kapatid ni Helen, makakatapos lamang ng high school, masipag at mabait pero dependent siya kay Helen, iyakin at mahina ang loob.


Ang iba pang members ng cast ay sina Jiro Manio as Joross Castillo, half-brother nina Helen at Paula, immature at mahilig sa barkada.

Maricel Morales as Tiya Ruby, second wife ni Gener, malupit na stepmother nina Helen at Paula.

Allan Paule is Gener, tatay nina Helen at Paula na nang-iwan sa kanila.

Shamaine Centenera is Cecille Cordova, ang stage mother/talent manager ni Gwyneth.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN