Stunt director who accidentally hit Valerie Concepcion sacked


Valerie Concepcion is painfully recuperating from serious injury sustained during the shooting of GMA-7’s Sinasamba Kita. "Let’s hope that this is just temporary and Val would be able to move normally again, minus the pain," says talent manager Becky Aguila about her ward.


Nag-update ang talent manager na si Becky Aguila sa kundisyon ng kanyang alagang si Valerie Concepcion, na aksidenteng nasagasaan sa taping ng Sinasamba Kita last May 25.

"She’s still in pain in her upper back going to her neck. Val needs therapy and will have a follow-up check-up next week, all expenses paid for by the GMA-7 producer of Sinasamba Kita. Let’s hope that this is just temporary and Val would be able to move normally again, minus the pain," sabi ni Becky sa text message niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Nakausap naman namin ang director ng Sinasamba Kita na si Joel Lamangan before the special press preview ng latest movie niya na Silip, na ginawa sa My Cinema ng Greenbelt 3 yesterday, May 31. Siya ang nagbalita sa amin na tinanggal na sa show ang stunt director na si Dante Javier, na siyang aksidenteng nakasagasa kay Valerie, at malamang hindi na mabigyan ng trabaho sa GMA-7."

Pagsasariwa ng direktor, "Nakakagulat nga na before taping the actual sequence, tatlong beses ang rehearsal nito. Isang stand-in muna ang ginamit namin, hindi muna si Valerie. Sa una, good, tumama sa mark ang kotse. Sa ikalawa, good ulit, sa ikatlo, good na naman. So we decided to take the scene.

"Sa actual scene ay nabunggo talaga si Valerie! Ang lakas ng pagkakauntog niya, lalo na ng ulo niya sa semento, dinig na dinig, kaya sinugod agad namin siya sa Asian Hospital. Hindi naman kasi puwede sa pinakamalapit na hospital that time, sa Mandaluyong, dahil kailangan ng maraming tests ni Valerie like CT Scan, MRI, at kung ano-ano pa."

Around PhP185,000 daw ang initial hospital bill ni Valerie at sinagot ito lahat ng GMA-7.

Naipalabas na ang nasabing episode ng Sinasamba Kita last Wednesday, May 30, kung saan sumargo ang rating nito, higher than expected. Natalo nito ang dalawang naunang soaps sa GMA-7 Dramarama Sa Hapon na Daisy Siete at Pati Ba Pintig Ng Puso?. Nakakalungkot lang na marahil malaking bahagi nito ay ang pagpapakita ng actual accident scene. Di na kasi puwedeng ma-take two ito, kaya ang totoong pagkakabundol kay Valerie ang nakita sa eksena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN