Bobby Andrews promises to offer a different Amante del Valle in Mara Clara


Bobby Andrews chose not to watch the original Mara Clara so he could portray Amante Valle differently in the 2010 version of this drama series. The actor wants to create his own interpretation of Clara’s rich father.


Ang Mara Clara ang longest running teleserye ng ABS-CBN na nagsilbing daan para makilala at maipakita ang husay nina Judy Ann Santos at Gladys Reyes.


Minahal at kinilala din sa soap operang ito ang mga karakter na ginampanan nila Eruel Tongco, Susan Africa, Beverly Vergel at Juan Rodrigo na ginagamapanan naman nina Jhong Hilario bilang Gary, Mylene Dizon bilang Susan, Dimples Romana bilang Almira del Valle at Bobby Andrews bilang Amante del Valle sa ngayon. Ang mga del Valle ang tatayong mayaman na magulang ni Clara (na ginampanan ni Julia Montes).


Sa nakaraang presscon ng Mara Clara ay na-interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Bobby at aminado naman ang aktor na nandun sa buong cast ang pressure at kaba dahil sa tagumpay na tinamo ng naunang Mara Clara.


"You can’t really help but to feel na mayroon talagang pressure, you really want to live up with the original especially now na di na talaga tumatagal ang mga shows for that long. Siguro kasi ang mga viewers natin ngayon, maigsi lang ang attention span and there so many alternatives to watch for. It’s very hard talaga to live up with the legacy that Mara Clara left. For this week, the best siguro that we can hope for is that we live up with the success of the older show."

Agad naming tinanong si Bobby kung ano-ano ba ang preparation na ginawa niya para sa role niya bilang Amante del Valle. Pinanood ba niya ang dating Mara Clara para makakuha ng ilang tips kung paano niya aatakehin ang karakter na ginagampanan?


"I don’t want to refresh myself on the original show na Mara Clara so that I will not be able to copy the original Amante del Valle. I [depended] on the writing and directing of our director to what kind of vision they have for this version of Mara Clara.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Papuri naman ang binitawan ni Bobby sa bida ng teleserye na ginagampanan nila Kathryn Bernando bilang Mara at Julia Montes bilang Clara.


"Sa mga bagong characters playing Mara Clara, they are so different form what you expect. If you think na si julia, she’s playing Calara, karakter na sobrang binigyang buhay ni Gladys, she works so different from Gladys, ibang-iba ang aura niya kay Gladys but I think that’s part of the magic now of their generation. Here, even with that familiarity of the story of Mara Clara, you’ll be suprised by the difference also in terms of the charactres and the actors involved doing their characters."

Bobby even assured to us na maraming dapat abangan sa bawat araw na tatakbuhin ng Mara Clara.


"Unang-una , ang mga artistang gumaganap bilang Mara at Clara dahil napakahuhusay nila. They are so young and yet they are so good already. Also, ito na siguro ang magbi-bridge ng generation gap, kung noon ang mga magulang sinasabi, ’Mara Clara ’yan.’ Ang mga bata, ’ano ba ’yung Mara Clara, di naman namin inabutan ’yan.’ Ito na siguro ang pagkakataon para maintindihan ng mga bata kung ano ba talaga ang pinag-uusapan na Mara Clara.


"Iba ang apparoach definitely, it’s more of towards the generation right now, pero at the same time, even the previous veiwers would be able to relate because what is happening in Mara Clara is much, much realistic on what’s happening today."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN