Rico J. Puno becomes emotional listening to a clown contestant tell his life story on Pilipinas Win na Win


Singer and TV host Rico J. Puno explains why he became emotional on Pilipinas Win na Win: "Naka-relate ako dun sa mga kinuwento nila. Halimbawa, yung mga anak nila... minsan ikinahihiya sila [bilang clown]. Pero yun ang kanilang pinagkakakitaan, kaya itinutuloy pa rin nila maski na liitin sila nang ibang tao. Maski sabihan ka na babaero at bastos ka, minsan nilulunok mo na lang iyon. Basta lang maipakita mo na ikaw ay matatag at nakakapagpaligaya ng tao...


Nabigla ang lahat noong nakaraang Huwebes matapos maging sobrang emosyonal ang Pilipinas Win Na Win host na si Rico J Puno.

Nakapanayam niya ang isang clown sa segment na "Theme Song Ng Buhay Ko." Hindi mapigil ang pag-agos ng luha ng TV host, na para bagang nakaka-relate siya sa makabagbag-damdaming buhay ng payaso.

Bagaman hindi ito ang unang beses na naging emosyonal si Rico J sa buhay ng mga contestants ng PWNW, naging kagulat-gulat pa rin ang labis niyang pag-iyak. Tanong tuloy ng ilan kung ano nga ba ang pinagdadaanan ni Rico J sa kasalukuyan.


Sa isang exclusive interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) matapos ang noontime show ng ABS-CBN, buong pusong inilahad ng singer kung bakit lubos siyang naapektuhan sa contestant. Iginiit niya na tulad ng payasong naging kalahok sa PWNW, hangad lamang niya na makapagpasaya ng mga tao, kahit may mga sariling pagsubok sa buhay.


"Though lagi kang nagpapatawa at nagpapasaya ng tao, ang hindi nila alam ay may sarili din tayong mga problema na kinocover lang natin sa pagpapatawa. Bigla kong naisip yung buhay ko. Siyempre, marami pa ring umaasa sa [akin]. Siyempre single parent ako ngayon. May mga sinusuportahan akong mga kapamilya," ani Rico J.


Daing pa nang Hitmaker na sa kabila ng pagsisikap niyang ibigay ang lahat para sa kanyang mga mahal sa buhay, minsan ay nahuhusgahan at nababalewala pa siya. Ganumpaman, nilinaw ni Rico J na hindi siya nanunumbat sa kung kanino pa man. Hangad lang niya na mapahalagahan ang kanyang mga sakripisyo.

"Naka-relate ako dun sa mga kinuwento nila. Halimbawa, yung mga anak nila... minsan ikinahihiya sila [bilang clown]. Pero yun ang kanilang pinagkakakitaan, kaya itinutuloy pa rin nila maski na liitin sila nang ibang tao. Maski sabihan ka na babaero at bastos ka, minsan nilulunok mo na lang iyon. Basta lang maipakita mo na ikaw ay matatag at nakakapagpaligaya ng tao... Kaya ako naiyak," pagbabahagi ni Rico J.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Nang tanungin naman siya kung ano ang theme song ng buhay niya, ang agad niyang sagot ay "Kapalaran" na siya din ang umawit.


"Ang buhay talaga kapalaran yan, hindi mo alam kung kelan ka tatanggap ng papuri at kung kelan ka masasawi. Ganunpaman ikaw din ang gumagawa ng buhay mo sa tulong ng Diyos at ikaw din ang natututo dahil sa sariling mga karanasan," sabi ni Rico.


CONCERT. Samantala, dinumog naman ang concert ni Rico J kasama ang The CompanY sa Metro bar sa Quezon City. Kapansin-pansin na maraming mga avid viewers ng Pilipinas Win Na Win ang dumalo.


"Sobrang isang malaking karangalan sa akin na makasama ang The CompanY sa isang concert . Alam naman natin na 25 years nang namamayagpag ang The CompanY at maituturing na silang legend," sabi ni Rico.


Bago ang kanyang pinaka-aabangang concert, ay nag-bonding sila ng Hitmakers na sina Marco Sison, Nonoy Zuñiga, Rey Valera, at co-hosts na sina Pokwang, Valerie Concepcion, Janelle Jaymer at Gee Canlas sa Coricks bar na pamamay-ari ni Rico J. Patunay lamang ito na hindi lang pang TV ang pagkakaibigan ng PWNW hosts.


"Ang saya ng naging bonding namin. We discovered na madami pala kaming gustong malaman sa isa’t isa," lahad ng singer.


Sinamantala ni Rico J ang masayang ambience ng bar at walang patumanggang nagbato siya ng mga "slightly green" jokes. Aniya, minsan na lang niya gawin ito dahil bawal yun sa PWNW. Hindi naman magkamayaw sa paghiyaw ang mga nanonood matapos marinig ang kanyang mga biro.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN