May reunion ang Alicante family sa "Maria Flordeluna"


Anoang magiging kapalaran nina Reneboy at Flordeluna? Alamin ang kasagutan sa MariaFlordeluna gabi gabi sa ABS-CBN Primetime Bida.


Ngayonglinggo sa Maria Flordeluna, pagkatapos ng matagal na panahongmagkahiwalay, magsasama na muli ang mag-amang Flor (Eliza Pineda) at Leo(Albert Martinez). Makakarating naman ang good news na buhay si Leo kinaReneboy (Nash Aguas), Wilma (Kristel Fulgar) at Jo (Eula Valdes). Samantala,gugulatin si Isagani (Mark Dionisio) sa pagbisita ng buhay na buhay na si Gen.Alicante, isasauli naman nito ang murder tape sa kanya. Makakausap din ni Leoang pamilya niya, pero nang ibigay ang telepono kay Jo, wala itong kibo perotumulo naman ang luha niya. Ito na kaya ang makakapagpagaling kay Jo?

Samantala, hirap si Brigida (Liza Lorena) na ibalik angdating relasyon nila ni Wilma, dahil sa pagbunyag na ampon ito. Matapos nglabis na pagsuyo, mapapatawad din siya ng kanyang apo, at sa sobrang pagmamahalni Wilma sa kanyang mamita, sinabi na nito sa kanyang lola ang plano ni Leo naitakas silang lahat. Napaisip naman si Brigida dahil sa isip niya galit pa siLeo sa kanya. Nang isagawa na ang planong pagtakas, biglang dumating sina Garyat mga tauhan niya. At sa harap ng pamilyang Alicante, babarilin ni Gary siLeo. Ito na ba ang katapusan para kay Leo?

Huwagpalampasin ang aksyon sa mga final episodes ng Maria Flordeluna, simulangayong Lunes pagkatapos ng TV Patrol World sa primetime bida, dito langsa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN