Charice Pempengco, balik-Glee Season 2


Babalik muli sa Glee Season 2 si Charice Pempengco bilang Sunshine Corazon, ang kanyang character sa Emmy at Golden Globe award-winning musical-comedy show.


Matagal nang pinag-uusapan kung kailan babalik sa U.S. hit musical-comedy TV show na Glee Season 2 ang Pinay international singing sensation na si Charice Pempengco, matapos na lumabas sa unang episode ng show. (CLICK HERE to read related story)

Heto ang balitang nasagap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) mula sa charicemania.com: babalik si Sunshine Corazon (Glee character ni Charice) sa Glee episode 6, na pinamagatang "Never Been Kissed."

Ayon pa sa report ng website, sa November 9 na ipalalabas sa U.S. TV ang episode kunsaan mapapanood muli ang Little Big Star 2005 third placer. Sa Pilipinas, mapapanood ang episode na ito sa November 10.

Kasamang babalik ni Charice sa Glee ang mga lumitaw rin sa first episode na si Coach Beiste (Dot Jones) at ang nagbakasyon lang mula sa New Directions glee club na si Puck (Mark Salling).

May ipakikilala namang mga bagong characters sa episode na ito, na gagampanan nina Darren Kriss bilang Blaine (bagong love interest ng mataray na si Kurt, played by Chris Colfer) at Cheyenne Jackson bilang vocal coach ng Vocal Adrenalin, ang karibal na glee club ng New Directions.

RACHEL, DI-PANATAG ULI? Noong unang lumabas sa first episode ng Glee Season 2 si Sunshine Corazon, naging insecure nang husto ng bida ng show at star vocalist ng New Directions na si Rachel Berry (Lea Michelle).

Pinag-usapan at naging isa sa most downloaded song mula sa iTunes store website ang "singing catfight" nina Sunshine at Rachel na "Telephone" (originally sung by Lady Gaga and Beyonce Knowles) na umabot hanggang number 2 sa iTunes Top 10 Most Downloaded Chart.

Sa first episode na iyon, gumawa ng paraan si Rachel na hindi makapasok sa New Directions si Sunshine. Hindi nagustuhan ng mga members ng glee club ang pang-iintriga ni Rachel.

Pinag-audition mismo ng adviser na si Will Schuester (Matthew Morrison) at ng buong New Directions si Sunshine. Sobrang na-impress sila at pinalakpakan si Sunshine sa pagkanta niya ng "Listen" ni Beyonce Knowles mula sa pelikulang Dreamgirls.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero hindi sa New Directions napunta si Sunshine. Napirata agad siya ng Vocal Adrenalin na binigyan pa ng bagong condo ang ina ni Sunshine.

Katwiran ni Sunshine nang batiin siya ni Mr. Shuester sa pagtanggap sa kanya ng New Directions, "Rachel will just make my life a living hell."

At sumama siya sa bagong coach ng Vocal Adrenalin.

Sa muling paglitaw ni Sunshine sa Glee, magagambala kaya uli si Rachel?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN