Martha Cecilia's Kristine moves to an earlier timeslot

Nov 10, 2010
JM de Guzman (middle) is cast as Nathaniel, the cousin of Jewel (Cristine Reyes, left) and Emerald (Denise Laurel, right) in Martha Cecilia's Kristine.

Kahit late at night na mapapanood ang teleserye ng ABS-CBN na Martha Cecilia's Kristine, pinakita nito na inaabangan ng mga manonood ang kuwento ng pamilyang Fortalejos and De Silvas.


Noong Biyernes (November 5), umabot pa ng 19.2% ang rating ng Kristine nationwide, kumpara sa 11.5% ng Bubble Gang, ayon sa datos mula sa Kantar Media.

Ngayong linggo isang bagong karakter ang ipakikilala sa kuwento: si Nathaniel Fortalejo Cervantes, na gaganapin ng baguhang aktor na si JM de Guzman.

Suki na ng Precious Hearts Romances si JM na lumabas na sa "Substitute Bride," "Midnight Phantom," at ang kasalukuyang umeere sa Hapontastic na "Alyna" bilang Yael.

Sa una niyang pagganap sa Primetime Bida, hindi maitago ang galak ng binata na nakilala rin sa mundo ng teatro. Sabik daw siyang maka-eksena ang mga bida ng programa.

"Looking forward ako na makasama ulit yung mga co-stars ko sa Midnight Phantom, sina Rafael [Rosell] at Denise Laurel], kasi naging kaibigan ko na rin sila. Si Zanjoe [Marudo] at si Cristine [Reyes], excited din ako kasi mga kaibigan ko sila off-cam, at first time ko na makakasama sila sa trabaho," ani JM.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aminado naman ang aktor na kabado siyang makaeksena ang kanyang ina sa teleserye na si Irma Adlawan.

"Kasi yung effort at passion na binibigay niya, kung tinatamad ka mag-isip at mag-put ng effort, makakain ka ng buhay ng acting nya," paliwanag ng aktor.

Pero dagdag niya, ginagamit niyang inspirasyon ang kabang nadarama.

"Kung hindi ako tense, pag hindi ako kinakabahan ibig sabihin wala na akong pupuntahan. Kailangan 'yon, yung kaba, yung pressure," sabi ng aktor.

Mapapanood na si JM sa Kristine ngayong linggo. Matapos ang rebelasyon sa tunay na pagkatao ni Jaime (Zanjoe), isang trahedya ang magaganap sa Paso De Blas. Sa di malamang kadahilanan, sumabog ang kotseng sinasakyan ni Don Leon na naging sanhi ng pagpanaw nito.


Ito ay maghuhudyat ng mas matinding gulo sa pagitan ng dalawang angkan. Samantala, dalawang karakter ang papasok sa eksena; isa na nga dito si Nathaniel Fortalejo-Cervantes at isang nagngangalang Stella.

Napapanood na ang Martha Cecilia's Kristine sa mas maaga nitong timeslot pagkatapos ng Imortal, Lunes hanggang Biyernes sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
JM de Guzman (middle) is cast as Nathaniel, the cousin of Jewel (Cristine Reyes, left) and Emerald (Denise Laurel, right) in Martha Cecilia's Kristine.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results