Mara Clara stars Julia Montes at Kathryn Bernardo, humuhugot ng lakas sa tunay na buhay nila

Nov 12, 2010
Julia Montes (left) and Kathryn Bernardo (right), draw inspiration from their real-life experiences in order to depict their respective roles in the modern-day remake of Mara Clara.

Sa kabila ng kanilang mala-teleseryeng buhay na masasabing naghulma sa kanilang personalidad, ang mga bida ng Mara Clara, sina Kathryn Bernardo at Julia Montes, ay nagkakaroon ng lakas upang harapin ang mga pagsubok na dumadating sa buhay nila.


Sa totoong buhay, sinasagot ni Kathryn ang edukasyon ng anak ng isang empleyado ng kanilang pamilya.

Samantala, patuloy naman sa pagiging matatag si Julia para sa kanyang hearing-and-speech-impaired na ina.

Ang ganitong mga eksena sa tunay na buhay ang siyang nagpapatunay na sila nga ay maituturing na role models ng kabataan.


"Kaya sa mga eksena nila, madrama man o hindi, hindi sila hirap kasi may pinaghuhugutan sila, galing sa real experiences nila," pahayag ni Jerome Pobocan, isa sa mga direktor ng ABS-CBN remake na ito.


Noong Martes, November 9, nakuha ng Mara Clara ang unang puwesto sa Top 20 programs nationwide, ayon sa Kantar Media. Pumalo sa 28% ang Mara Clara habang 18.4% ang nakuha ng Grazilda ng GMA-7.


Napapanood ang Mara Clara ni Emil Cruz Jr., Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Noah sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Montes (left) and Kathryn Bernardo (right), draw inspiration from their real-life experiences in order to depict their respective roles in the modern-day remake of Mara Clara.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results