ABS-CBN's new morning show premieres June 25


ABS-CBN’s new morning program, Ganda ng Umaga, features Edu Manzano and Donita Rose as its main hosts. The show will premiere on June 25.


Nalaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na sa June 25 na magpa-pilot ang morning show ng ABS-CBN na may bagong title at format. Mula sa Magandang Umaga Bayan, magiging Ganda ng Umaga na ang title nito— pero working title pa lang daw ito at posible pang mapalitan.



Sina Edu Manzano at Donita Rose ang main hosts ng bagong morning show.

Ang segment hosts ay sina Rica Peralejo at Pokwang. Sila ang pantapat sa segment hosts ng Unang Hirit ng GMA-7, na sina Regine Tolentino na magaling magsayaw at Love Añover na magaling magpatawa.



Hindi pa rin daw sure kung si Pinky Webb ang siyang magde-deliver ng hard news dahil baka magmukha silang love team ni Edu. Matatandaang nali-link silang dalawa sa tunay na buhay.

Out na rin as host si Cheryl Cosim, na balita ng PEP ay umiyak kay Maria Ressa, chief ng News and Current Affairs ng ABS-CBN, at nakiusap kung puwede siyang isama sa Ganda ng Umaga.



Welcome news daw sa GMA-7 ang pagre-reformat ng morning show ng ABS-CBN, pero as of today wala raw silang babaguhin sa Unang Hirit. Titingnan muna nila kung makakabawas sa kanilang viewers at rating share ang Ganda ng Umaga, saka sila gagawa ng mga pagbabago sa show.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN